07 - Pedia

1K 27 2
                                    

Sinabihan ako nung dalawa na maupo na lang and maybe do the histories if ever may admission. Sila na daw bahala mag-examine and magmanage ng dadating na patients. Unfortunately, natoxic nanaman kami so tumayo na din ako at nagstart mag-entertain ng patients. Wala na rin naman silang nagawa.

Maya-maya nagrereklamo nanaman si Tim kay Mark na siguro kumain nanaman ng pansit. Sinasabi naman ni Mark na hindi.

"Siguro sa dami nang pansit na nakain mo sa tanang buhay mo, marami ka pang utang na toxic duty kahit di ka kumain ngayon." Sabi naman niya.

Medyo nagulat ako na seryoso yung asar ni Tim kay Mark ngayon. Usually kasi more on pa-joke lang naman reklamo niya. I guess stressed na din siya. Nawala din kasi steth niya, tapos yung nag-arrest pa kanina.

"Ice cream?" Sabi ko naman ng pajoke kasi parang nagkakainitan na sila.

"Yes!"

"No!"

Sabay naman nilang sinabi.

"Ano ba Tim, nilalagnat na nga 'tong si Nicz e." Sabi naman ni Mark.

"Siya naman yung nagsuggest eh." Defend naman ni Tim.

"Okay naman na 'ko. Para lang sa benignness." Sabi ko naman. "Mas makakapagpahinga at mas makakarecover ako if di tayo toxic today."

Usually kasi kami lang ni Tim ang kumakain except for that one time na pinilit ni Doc Aya si Mark. Di kasi mahilig sa matamis si Mark. Pero nung time naman na si Tim lang ang kumain, toxic pa din kami. So I guess conditional yung superstition. Dapat mamahaling ice cream--Magnum, at dapat at least dalawa ang kumain.

"No." Sabi naman uli ni Mark.

"Sige malunod na lang tayo sa katoxican." Sabi naman ni Tim.

"Sige na. Ako na lang kakain." Sabi naman ni Mark.

Nagulat naman ako kasi di naman naniniwala si Mark dun. Tumawa naman si Tim (sa wakas).

"Yey! Balik kami Nicz ha." Sabi naman niya sabay hila kay Mark palabas.

Napangiti naman ako dun. Na-share kasi ni Tim na gusto niya magpedia. Pero unlike Ericka, mahilig kasi talaga siya sa bata while si Ericka gusto lang yata na sumunod sa yapak ng parents niya. Kaya din siguro ganun yung mood niya. Naapektuhan talaga siguro siya sa kanina.

 Naapektuhan talaga siguro siya sa kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon