12 - Community

872 20 0
                                    

Mark's POV

Nagchat lang uli kami ni Nicz hanggang sa kumatok na si Tim sa kwarto ko. Medyo maaga pa pero gusto kasi ni Kriz na sabay-sabay kaming tatlo kumain sa umaga. Depressed siya at kasama na naman niya si Ericka, kaya medyo clingy sa amin, e kaming apat lang ang malapit lang dito ang health centers.

Habang naglalakad kami ni Tim, tahimik lang kami parehas. Medyo nakarecover na si Tim sa nangyari sa Pedia pero talagang may pinagbago din siya. Mas seryoso na siya ngayon lalo na sa pag-study. Minsan nakakamiss din yung hyper na Tim. Andun pa rin naman siya, kaso minsan na lang lumabas.

Ako na yung unang nagsalita.

"San daw tayo ngayon?" Tanong ko naman.

"Sa Breakfast Republic ang gusto ni Kriz." Sabi lang niya.

Okay then.

"You know..." I started saying. "Di naman masama if maging carefree ka pa rin paminsan. Especially now na nasa Community rotation naman tayo." I said, a little awkwardly, I admit.

"Huh?" Tim replied, confused.

Then he started laughing. Okay?

"Alam mo, when you were saying all those stuff--you know, nung pumunta kayo ni Nicz sa dorm. When I think back to it, naiisip ko na 'etong si Mark, kala mo walang alam sa buhay outside being a doctor, pero meron din naman. Emphatic siya.' And then magiging ganyan ka na awkward and maaalala ko na Gr. 1 ka pa lang when it comes to relationships. Kahit sa pagiging kaibigan."

Nalito naman ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" I asked.

"Wala namang negative. Naappreciate lang kita bilang tao." Sabi naman niya. Di ko pa rin masyadong gets. But he continued speaking.

"Thank you sa pag-aalala pero okay naman na ko, Mark. Tahimik lang ako ngayon kasi inaantok pa ko." But then he started grinning. "Pero ikaw mukhang maagang nagising pero buo na morning ha. Nakita ko yung reply mo kay Nicz." Nang-aasar na ang tono niya.

Okay. Maybe, I shouldn't have said anything in the first place.

Sumakay na kami ng jeep pero ayan na at lumalabas na ang hyper na Tim.

"Pero in fer ha, plano mo ba talaga yun? Yung sa inyo maassign si Nicz tapos sa bahay niyo titira? Nakwento ni Frei." Sabi niya.

"Of course not. Pano naman yun, sabihan ko si Doc Gillego" Yun yung head doctor sa community. "na ipost siya dun? I wanted sana na dun maassign. I didn't even think about Nicz being assigned there. And si Mama ang may idea nung pagpapatira sa amin."

"Pero naisip mo ba maassign sa inyo with Nicz?" Tanong naman niya next.

I grimaced. "Yes. And that would have been awfully awkward so buti na lang hindi." Sabi ko naman. "You know how my mom is."

"Ay. Oo nga pala." Sabi naman ni Tim. "Alam mo di ko nga masyadong naisip na dun nga pala sa Laomay si Tita Ella. Ang iniisip ko kasi naassign tayo sa Riverton HC--"

"Na malapit lang sa bahay nila Dyna." Sabi ko naman. "I know."

"Pero ano na palang update. Hinihintay mo pa rin good timing mo? Cause bro, ang bagal mo talaga." Sabi naman niya.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon