Nicz's POV
Nagstay pa kami dun for a while at dinamayan si Hannah. Dapat ata alcohol instead of coffee ang drinks namin ngayon.
Hindi naman na uli in-open yung discussion. Mukhang nasabi na rin naman ni Kriz lahat nang gusto niyang sabihin. Nagkayayaan naman manood ng sine (kahit from pa yung dalawa) pero di na ako sumama at alam kong may naghihintay. Di na rin naman sila nagpumilit.
Nagtext na rin ako kay Mark nun.
Huh? Bago pa ko makareply, naconfirm ko na na tama yung hinala ko.
"Love!"
Umiikot na yung mata ko bago ko pa siya harapin. Andito pa nga si Mark. Mukhang naghintay.
Pero nagulat ako kasi may kasama siya. Si Doc Raffy.
Mark practically hopped towards me, smiling all the while and when he reached me, he leaned in and gave me a quick kiss.
Nagulat naman ako kasi may nagflash.
Napatingin ako kay Doc Raffy at hawak niya ang phone niya at mukhang nakatutok sa'min ang camera.
"Doc!!! Binigyan na kita ng picture kanina!" Reklamo naman ni Mark.
"Sorry, opportunity in front of me e." Sabi naman ni Doc Raffy.
Narinig ko naman mag-tsk si Mark.
Di ko gets. Tumingin naman ako sa kanya ng patanong.
Napakamot naman siya ng ulo.
"Okay, first of all, uuwi naman talaga ako dapat. Kaso nagtext si Doc about kay Ara then nung magrereply na 'ko, nakita ko siya diyan sa Biggs. So ayun, kinausap ko na lang siya ng derecho tapos nagkakwentuhan na. I didn't plan on waiting for you, promise." Sabi naman niya.
"And well, about sa picture. Er. Check mo na lang siguro sa Twitter. I didn't have a choice, okay." Sabi naman niya defensively.
Napailing na lang ako sa kanya. Pero to be honest, masaya din naman ako na hinintay niya 'ko.
Nagpaalam na rin kami kay Doc Raffy nun na nagsabing maggo-grocery pa siya at umuwi na rin. On the way home, nikwento ko naman kay Mark yung nangyari sa usapan namin.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...