50 - Anesth and Radio 🙈

1.6K 10 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicz's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicz's POV

Wala kaming choice ni Christy.

Well, in all honesty, gusto ko rin naman sana makita sila Kuya since namiss ko na rin sila. Pero kinakabahan din kasi ako since the last time na nagkita kami, wala pa akong boyfriend. And I know kukulitin nila ako ng kukulitin about Mark.

I guess okay na rin siguro na harapin ko muna sila bago nila ma-meet si Mark? Ayoko naman pagkaisahan nila si Mark. Baka ma-overwhelm yun. At least this way, masasagot ko na yung ibang tanong nila so they don't have to grill Mark.

Di na ko nag-reply dun sa group chat namin. Basta ang napag-usapan, lunch daw sa 100 Buffet and mukhang libre ni Kuya Ian.

Si Kuya Ian kasi ang pinakamayamang single (may girlfriend siya pero wala pa namang plans magpakasal) sa mga pinsan ko. And sobrang galante niyan sa'min.

I guess yung usual naman ang pupunta. Sa recent years, 'pag ganitong biglaang labas, ang nakakapunta na lang yung mga andito sa Manila, at yung wala pang family. So malamang yung mga nasa chat kagabi: Si Kuya Ian, syempre, Si Kuya Hammer, Si Kuya Ron (probably di makakapunta yung kakambal niya na si Kuya Renz since busy yun sa sarili niyang kambal), Si Conn nasa Japan ngayon--kaedad ko yun saka si RJ. Matanda lang si Conn sakin ng two months tapos matanda ako kay RJ ng four months. Si Kuya Pong, kuya ni Kuya Hammer. Di ko sure if makakapunta yun kasi workaholic yun. Although Sunday naman. Si Kuya Casey, isa pang busy sa life pero usually he makes time for these mini reunions naman.

Yung iba pa naming pinsan--si Ate Karen, ang panganay sa'ming magpipinsan at ate ni Kuya Ian, at natatanging mababaeng nakakatandang pinsan namin, sa LA na nakatira with her family. Si Kuya Frank, kuya naman nung kambal, andito naman sa Valenzuela pero may family na kasi. Minsan na lang makasama sa'min. Si Kuya Kevin naman, sa Dubai nagwo-work ngayon, so syempre di rin makakasama. (Usually 'pag reunion, yung wife at kids naman niya sumasama pa rin sa'min.) Sila Kuya Mozes, Jent at Axl naman na magkakapatid, nasa Canada. Dun na sila pinanganak at lumaki and minsan lang talaga magbakasyon dito. Mukhang dun na rin talaga sila magsesettle down. Si Jent na younger sakin ng 1 year, may baby na e. Si Kuya Mozes naman matagal na ring married.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon