37 - IM 🙈

1.9K 16 0
                                    

Nicz's POV

Nagmamadali na akong pumunta sa Jalikod. Ngayon pa lang ako magla-lunch since pinauna ko na si Freia at Kriz. (OPD si Tim this week.)

Di naman masyadong toxic sa ER pagkaalis ko pero mas mabuti na rin na makabalik din kagad.

Nagulat naman ako nang makita ko dun si Doc Chard. Usually kasi madalang kang makakita ng residents dito sa Jalikod since sobrang busy nila. May pa-deliver din naman kasi sila so sa loob ng hospital madalas kumakain ang mga doctors.

Tapos naalala ko na bumalik na nga pala yung isa pang 2nd year.

Tatlo kasi talaga ang 2nd year sa Surg tapos tatlong 3rd year at dalawang 4th year, kaso during our rotation sa Surg, pinadala yung isang 3nd year at isang 4th year sa isang remote location since kulang dun ng doktor, tapos yung isang 2nd year, nagrotate pala sa LGH. Yung sa 2nd year, normal rotation daw talaga athough nalaman ko lang din nung patapos na kami sa Surg. Napag-usapan kasi nila Doc Ed since sila naman magrorotate dun next year.

Ang alam ko last month pa nakabalik yung 2nd year pang isa. So may preduty status na ngayon si Doc Chard. Di na siya duty-from-duty. Ewan ko lang dun sa 3rd & 4th year since di siya rotation pero special assignment.

"Oi, Nicz!" Bati naman ni Doc nung nakita ako. "Dito ka na, wala akong kasama." Imbita naman niya.

"Sige po, Doc." Sabi ko naman. Binaba ko yung jug ko sa table tapos umorder muna ng pagkain ko bago bumalik dun.

"Oh, musta sa IM?" Tanong naman ni Doc. "IM kayo, no?"

"Opo, Doc." Sabi ko naman. "Okay naman."

Nag-nod naman siya. "Mas masipag yung grupo niyo sa grupo namin ngayon." Reklamo naman niya bigla.

'Di naman na ako nagcomment. Ang alam ko Group M--yung barkada nila Mark ang nasa Surg ngayon.

"Pero malapit na kayo 'no? Hanggang May lang clerkship no?" Sabi naman niya.

"Oo nga po, Doc, e. Ang bilis nga." Sabi ko naman.

"San pala kayo mag-iinternship? Meron bang magstay dito?"

Shet. Nakalimutan ko. Yung application ko nga pala.

"Ah, si Ate Ara po dito. Saka ata si Freia." Sinagot ko naman si Doc.

"Well, oo kasi Doc Raffy. Pero si Freia dito din? Taga-Davao yun di ba?"

"Opo, Doc, pero sa CMH kasi siya na-match." Sabi ko naman.

"Ikaw ba? Si Mark?" Tanong sunod ni Doc.

Shet talaga. Nawala sa isip ko.

"Uhm, si Mark po sa L. Olivar na." Sabi ko naman. "Ako po, ah, sa second matching pa po." Sabi ko naman.

"Di ka pa na-match?" Tanong naman ni Doc.

"Nagka-problem po kasi sa papers ko." Pag-explain ko naman.

Nagnod naman siya. Dumating naman na nun yung food ko.

"Pero anong choices mo? Manila hospitals ba?" Tanong pa ni Doc.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon