Mark's POV
I guess nakasanayan na namin na sabay umuwi ngayong rotation since lagi ko naman dala car ko. Yun nga lang, ngayong Optha na si Nicz at ENT ako, nahahatid ko lang siya pag preduty ako since mas maaga siyang uuwi pag duty ako. Ayoko naman na maghintay pa siya sa akin lalo na at mukhang andito pa yung Max.
As far as I know, nakarating na yung complaint sa BOD at sa tatay nun. Sobrang nagalit din kasi yung tatay ni Doc Raf--na father in law ni Ara nung nalaman niya. Pero nakikita ko pa siya dito. Although mukhang subdued na siya. Serves him right. Kulang pa nga yan.
Preduty ako ngayon so after kami idismiss ni Doc Dale, dumerecho na ko sa Optha. Malaking ngiti ni Nicz naman ang sumalubong sa akin. I couldn't help but smile as well, kahit di ko pa alam bakit ganun ang smile niya ngayon. Infectious lang talaga ang ngiti niya.
"Mark, tama ka." Sabi naman ni Nicz sa akin.
"Hm? Saan?"
"Ang ganda sa Optha. Parang gusto ko na talaga mag-Optha." Sabi naman niya. Nagshashine yung mata niya, nakakatuwa tignan. OR day ng Optha ngayo. Nakaone week na rin kami dito sa second electives namin at mukhang nag-eenjoy talaga si Nicz sa Optha. Just as I thought she would.
Nagsimula naman na kami maglakad pababa nun.
"Ang amazing talaga ng mga OR nila. Lalo na yung sa retina. Tapos ang maganda sa kanya outpatient basis even yung OR. After maoperahan, pwede na rin umuwi." Sabi pa niya.
"And iilan lang ang emergency cases. Tapos ang OR around 15-30 minutes lang. 1 hour na siguro pinakamatagal." Sabi ko naman.
"Ayun nga, nakakafifteen na OR sila Doc in one day. Tapos magaan naman so di sila pagod. Plus hindi need na patulugin ang patients usually so less hassle sa post anesthesia complications." Sabi naman niya.
Napangiti naman ako.
"So mag-ooptha ka na?" Tanong ko naman.
Napatigil naman siya.
"Ewan ko lang." Sabi naman niya. "Gusto ko pero..."
"Pero?"
"Baka di ko kaya? May exam daw bago residency e. Tapos konti lang nakakapasa. Then yung mga instruments milyones. Hindi naman ako mayaman. So paano naman..? Also di ko rin alam san pwede magresidency since konti pa lang ata sila. Sila Doc Sia sa ibang bansa pa nagtraining e." Sabi naman niya. Unlike sa ENT, walang residency program ang Optha dito, so walang residents. Ang kasama namin puro consultants. Pero mababait naman silang lahat.
"Need mo lang naman magprepare for the exam. If may mga nakapasa then it means it's not impossible. Yung sa instruments, pwede ka naman magloan. Madali naman magpaloan ang banks sa doctors. Also, if gusto mo ng clinic, siguro maganda if may makakatulong ka. Ibang kasama na Optha para share kayo sa gastusin. Ang alam ko si Freia kinoconsider din ang Optha since surgical and office hours." Sabi ko naman. "About sa trainings, pwede naman tayo maghanap. I think dumadami naman na ang residency programs dito."
"Hmmm. Ewan ko lang Mark." Sabi naman niya. "Siguro siya na pinakaideal na option. Pero maghahanda din ako ng Plan B and C."
I nodded. Tama din naman yun.
"Nicz, yung sa APMC naayos mo na ba?" Tinanong ko naman. Need ko talaga 'to malaman. "Alam mo na kung san mo gusto mag-internship? November na."
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...