13 - Community

856 21 1
                                    

Parang wala lang kay Freia yung usapan nila Mark. So either alam na niya or masyado na talaga siyang pagod to care. Pumasok na rin naman kami nun at si Freia dumerecho na sa kwarto so nagpaalam na rin ako kay Mark at sumunod.

Pag panik ko sa taas, nasa banyo na si Freia. Hinintay ko naman na matapos siya, tapos ako naman ang gumamit. Nagfreshen up lang ako at nagpalit ng pantulog.

Paglabas ko ng banyo, tulog na si Freia. Medyo nadisappoint ako dahil di pa rin ako inaantok kahit na pagod din ako. I guess may hangover pa sa lahat ng excitement. Pero ano naman na ang gagawin ko? Tulog na tong kasama ko.

Naisip ko naman na baka nasa lanai pa si Tita. So bumaba muna ako. Bukas pa naman ang mga ilaw so I guess may tao naman dito.

Dumerecho naman ako sa lanai at sakto, andun pa nga si Tita.

Nakita naman niya ako. Ngumiti siya at naggesture na umupo ako sa tabi niya.

"Di ka makatulog?" Tinanong naman ni Tita pag-upo ko sa tabi niya.

"Di pa po e. Si Freia ayun, knocked out na." Sabi ko naman. "Kayo po, Tita?"

"Ganun din. Dati 'pag di ako makatulog nanonood ako ng Korean dramas. Kaso naiinis lagi ang Tito Lando mo. Napipilitan kasi siya manood tapos nagagalit siya sa mga ginagawa ng characters."

Natawa naman ako nun. I guess it makes sense. Si Tito kasi parang no-nonsense type ng tao pagdating sa mga bagay na mahahalaga.

Nagbukas naman yung pinto at parehas kami napatingin ni Tita. Si Mark pala.

Parang nagulat siya na andun ako.

"Nicz." Sabi lang niya. May dala siyang mug.

Nagwave lang ako sa kanya.

"Uhm." Lumapit naman siya at binigay sa akin yung mug. Hot milk pala ang laman nito. "I didn't know that you were here. Sayo na yan. Magtimpla lang ako ng bago." Sabi naman niya ng mabilisan tapos umalis na uli siya.

Medyo na-late magregister ang utak ko about what just happened. Pero nabalik naman ako sa present nang tumawa si Tita.

"Nililigawan ka ba ni Odie?" Tinanong naman ako ni Tita.

Natahimik naman ako.

I needed to think.

"Napansin ko lang kasi..." Sabi naman ni Tita. "Iba kasi siya sa'yo. Iba makatingin. Iba ka itrato kesa sa iba niyang mga kaibigang babae. Nauutal pa siya sayo."

"Uhm, Tita..." I started saying. "Di ko po sure e."

Parang nagulat naman siya sa sagot ko.

Nahiya naman ako.

"Ano... kasi po. Uhm, minsan po parang nagpaparamdam siya pero... Ayoko din naman po kasi mag-assume. Nakikita ko inaasar din siya ng mga kaibigan namin sa akin pero... wala naman po kasi siyang sinasabi so... ayun po, di ko po sure." Medyo nag-iinit yung mukha. I'm sure nagbablush ako.

Sa lahat naman kasi ng masasabihan ko nito, yung mommy pa niya.

Napansin ko naman na nung Pedia. Mabait si Mark talaga at maalaga pero minsan kasi iba na yung pagkasweet niya. And minsan nakakakita din ako ng tweets nila Tim. Pero sila Tim kasi yun e, hindi naman si Mark. Ayoko naman magmukhang asyumera.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon