10 - Pedia 🍄

969 22 8
                                    

Sumunod si Tim kay Doc Aya pero sumunod na rin ako. Kasama naman niya ako nung nag-NGT e. Si Mark parang gusto ding sumunod pero wala kasing maiiwan sa ER. Wala pang 7am. Duty pa rin namin.


Dinala kami ni Doc Aya sa office.

"Anong nangyari kagabi?" Tinanong naman niya. "Anong status nung patient nung pinuntahan niyo."

"Stable po yung patient, doc. Nahirapan siya habang nag-iinsert ako pero expected naman po yun since my trismus siya. After po mainsert, stable pa rin naman po siya. And nung nag-auscultate po ako, positive naman po sa bubbling sound." Sinabi naman ni Tim ng mahinahon and almost formal.

"Nag-auscultate din po ako, Doc. Narinig ko din po yung bubbling sound." Sinabi ko naman.

Nagnod naman sa amin si Doc Aya.

"Ang sabi ng nurses, nagfeed sila after niyo mag-insert." Sabi naman ni Doc. "Tapos sabi ng nanay, nagstart magkaron ng difficulty of breathing after ng feeding."

"Nagcheck po ba ng patency yung nurses bago magfeed?" Tinanong naman ni Tim.

"Yun ang di nila masagot ng matino." Sabi naman ni Doc Aya tapos nagbuntong hininga siya.

Kasi if di sila nagcheck, then may responsibility din sila.

"Pero ang problem kasi, nung nahihirapan na yung bata huminga, di naman nagsabi yung nanay sa nurses. Tapos nung matagal na at di talaga nawala at sinabihan na yung nurses, di din naman sila nagrefer kay Doc Ace." Sabi naman ni Doc. Si Doc Ace yung duty sa PICU kagabi. If may referral sa ward, sa kanya dapat sasabihin.

"So nung nagrounds kanina si Doc Ace, too late na." Pagtatapos naman ni Doc Aya.

"Pero sigurado kayo na may bubbling sound?" Tanong naman niya.

"Opo, doc." Sabi naman namin ng sabay.

"Okay." Sabi lang ni Doc Aya sabay nod. Alam ko na kakampi namin siya. Naniniwala siya sa amin. "Sige, mag-iinvestigate muna kami. Baka iba naman yung cause. Magready na kayo for adcon." Sabi niya tapos ngumiti naman siya sa amin.

Pag-alis niya, biglang humawak sa akin si Tim. Nagulat ako kasi nanginginig siya.

"Nicz, bubbling sound ba talaga yung narinig natin?" Tinanong naman niya ako ng mahina. "Iba di ba? Di mo rin masyado maidentify dun sa steth ko?"

Di ako nakapagsalita. Totoo yung sinabi niya. Pero ayoko namang isipin na--

Biglang bumukas yung pinto at andun na si Mark. Tahimik lang siya at tinignan niya kami parehas ni Tim.

"Sabi ni Doc magready na for adcon." Sabi lang niya.

Nagnod naman ako.

"Tim." Tinawag naman niya nung di pa rin gumalaw si Tim tapos nagnod siya sa laptop. Di pa kasi nakaset up.

Nagnod lang si Tim na parang walang buhay and he started moving.

Nagkatinginan naman kami ni Mark. Nagnod lang din siya sa akin as if saying everything will be alright.

Sana nga Mark, sana nga.

---

Tahimik kaming tatlo nung nag-adcon. Di na kami pinag-endorse ni Doc Aya at siya na nag-endorse ng lahat ng patients. Mukhang alam na rin ng ibang residents kasi grim yung mukha nila at tinapos talaga nila ng mabilis yung adcon.

After nun yung iba naming kagrupo nagsipuntahan na sa post nila like it was a regular day.

Well, sa kanila naman oo.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon