34 - IM

867 14 0
                                    

Past 3PM na nung natapos ako sa errands ko. Tinry ko pa kasi kausapin si CKD patient ko na magpadialysis na. Pero inexplain ko na ang lahat sa kanilang mag-asawa, mukhang hesitant pa sila. Sana makapag-isip-isip pa sila. Sayang yung oras e. Habang tumatagal, mas dumudumi ang dugo dahil walang nagfifilter.

Pumunta naman na ako sa cafeteria nun at sigurado ako na wala na sila Doc.

Mukhang malamig na ang food pero okay lang naman. Basta makakain na ko. Kanina pa rin ako gutom e. Dapat din na madaliin ko na 'to at marami pa akong gagawing paperworks. Ayoko naman na mabacklog nanaman ako. Basta tatapusin ko 'to lahat today kahit magovertime na ako. Para hindi ako maipunan.

Medyo nag-jump ako nung may kumalabit sa akin habang nag-oorder ako ng food. Nilingon ko naman.

"Doc Ed!" Reklamo ko naman. Siya lang pala.

Natawa naman siya.

"Ngayon ka pa lang maglalunch?" Tanong niya.

"Opo Doc e. Medyo madaming errands lang. Kayo ba Doc?"

Napakamot naman siya. "Alam mo naman pag Surg." Sabi naman niya.

"Asan clerks mo? Baka di ka inaalagaan nung mga yun ha."

Tumawa naman siya. "Di naman. Although wala silang pa-chocolate sa akin."

Sa isang table na kami kumain ni Doc tapos nagkwentuhan lang kami ng konti.

"Kamusta naman sa IM?" Tanong ni Doc.

"Nakakapagod." Sabi ko naman. "Resident ko si Doc Darice." Dinagdag ko.

Neutral naman ang mukha ni Doc Ed.

"So kamusta naman?" Tanong niya uli.

"Okay naman so far, Doc. Mabait naman siya. Kaya lang 'pag nagjojoke siya, minsan di ko masakyan." Sabi ko lang.

"Nagjojoke pala yun?" Sabi naman niya bigla. Nagulat ako kasi ngayon ko lang narinig na ganito si Doc Ed. Good vibes lang to lagi e.

"Joke lang." Bigla naman niyang binawi.

"Ano bang nangyari dati, Doc?" Tanong ko naman. Di pa niya kasi nakukwento ng buo. Basta ang alam ko, nagrefer yung IM sa Surgery service about sa tracheostomy tapos si Doc Ed yung nag-assess.

"'Wag mo na isipin." Doc Ed said dismissively.

"Sige na Doc. Personalan ba yan? Para naman alam ko. Makakatrabaho ko siya for one month e." Pagpilit ko naman.

Nagbuntong hininga si Doc. "Medyo nagkapersonalan. Pero nagsimula lang sa misunderstanding sa orders. Kala ata niya pinahamak ko siya sa seniors niya. Tapos nadamay pati seniors ko. Nagalit si Doc Mira sa akin nun." Sabi naman niya.

Medyo gets ko na saan nanggagaling si Doc Ed. Si Doc Ed kasi talagang malaki respeto kay Doc Mira at Doc Lyca--medyo hero-worship level. Siguro nainis siya dahil nagalit si Doc Mira--which is probably a first time. Since fond din si Doc Mira kay Doc Ed. Para nga silang magkapatid.

"Hala. Sabi pa naman ni Mark baka di ko makasundo si Doc kasi di mo nakasundo. E di ba magkaugali daw tayo?" Sabi ko naman.

"Hindi naman siguro." Sabi naman ni Doc. "Siguro kausapin mo na lang ng maayos para iwas misunderstanding."

E kaso sa totoo lang, di ko makausap ng maayos si Doc Darice. Para kasing 'pag nagsasalita siya, di na ko makasingit. Oo na lang ako ng oo.

"Si Mark pala, kamusta na? Yung sugat niya?" Tanong naman ni Doc Ed.

"Okay okay naman na, Doc. Pumasok na siya today. Sa OPD siya." Sabi ko naman.

"Ah, hiwalay pala kayo ngayon. Pag nagward siya ikaw naman ang OPD at ER." Comment naman ni Doc Ed.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon