44 - IM (Holy Week)

1.2K 13 0
                                    

Sobrang lapit lang pala talaga nung Palawig. Dumaan pa kami sa dorm ni Mark and to be honest, di naman kami nagmadali pero nakarating pa rin kami dun sa resort before mag-10AM.

Mukhang bago pa yung resort. Di pa ganun kadeveloped. Pero maganda yung beach lalo na kasi white sand. Naglagay pa sila ng mga flags sa shore so pwede nang pagkamalang Boracay kung dadayain sa picture.

After namin mag-park, nagtext naman muna ako kay Jonna since di namin alam if san kami dapat kami tutuloy.

After namin mag-park, nagtext naman muna ako kay Jonna since di namin alam if san kami dapat kami tutuloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumunta naman na kami ni Mark dun. Dinala na rin namin yung gamit namin since konti lang naman at para derecho na rin pag nag-check in na kami.

Sinunod naman namin yung instruction ni Jonna at nakita namin sila kaagad.

"Mark, Nicz!" Tawag naman kagad ni Jonna pagkapasok namin dun sa resto.

Andun na nga silang lahat. Buong Team M minus yung mga duty ngayon--si Pearl, si Kate at si Charles. Tatlong pinagtabi-tabing tables yung inuupuan nila. As usual, magkatabi si Jonna at Tin, tapos sa tabi nila si Julie, Jed, Clifford at Mae. Sa tabi naman ni Mae si Freia tapos si Tim at Dyna. May seats na walang nakaupo--I guess dun kami ni Mark, tapos si Ericka na then si Ate Ara and Doc Raffy.

Nagulat ako andito si Ericka. I guess mas pinili niya nang sumama dito sa outing. Or baka nakauwi na family niya sa Manila?

Nagkaron nung usual na batian--yung pag-tap ng guys sa likod ng isa't-isa and just casual waves naman from the girls,  then umupo na rin kami ni Mark dun sa vacant seats.

Mukhang halfway na sila sa pagkain pero nag-offer din sila ng food sa'min.

"Okay lang, kumain na kami sa bahay." Sabi naman ni Mark.

"Ayun e. Pamilyado na daw siya e." Sabi naman ni Clifford ng natatawa. "Kaya ka ini-issue ni Bona e."

Nag-shrug lang naman si Mark. Nag-restart na rin naman ang mga kwentuhan na mukhang na disrupt namin nung dumating kami. Si Ate Ara busy kausap si Dyna. While si Freia naman ang kadaldalan ngayon ay si Mae.

"San pala namin ilalagay gamit namin?" Tanong naman ni Mark kay Jed. "Kahapon pa kayo dito di ba?"

"Oo. Nag-rent na kami ng cottage. Yun lang medyo masikip. 2 rooms naman yun, pero kutson lang. Magkakatabi lang kaming nahiga. Parang ER lang." Sabin naman niya nang tumatawa. "Dalhin niyo na lang gamit niyo dun after natin kumain." Sabi pa niya.

Nakita ko naman nag-frown si Mark.

"Bakit?" Tanong ko naman ng mahina. Tumingin naman sa'kin si Mark.

"Gusto mo ba kumuha na lang tayo ng sarili nating room?" Tanong naman niya nang mahina din.

"Huh? Di ba parang ang KJ natin nun?"

"Pero siksikan daw e. Magbabakasyon na lang tayo, titipirin ba pa natin? Also seems like one room will be for the boys and the other one for the girls. Magiging comfortable ka ba with them?" Tanong naman niya.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon