22 - Psych

844 19 0
                                    

December 21 ngayon at ngayon ang Christmas party ng hospital para sa mga patients.

Most kasi ng patients dito na di sa acute ward naadmit, dito na talaga. Yung iba ni hindi na binibisita ng pamilya nila.

Pero sa totoo lang, I can't completely blame them either. Sobrang hirap din kasi talaga mag-alaga. At parang in a way, mas mabait na nga na iwan sila dito where they have regular proper meals and get their medication.

May mga cases kasi dito na uncontrolled talaga so hindi rin talaga makakaya alagaan sa bahay. And then there are cases na yung patients dahil sa psychosis, nakapatay o nakasakit, most ofthen than not, ng sariling pamilya.

Pero napahanga din talaga ako ng mga relatives ng nasa acute ward. Kasi madami dito mga pabalik-balik na pala. Pero di nag-gigive up mga asawa at kapamilya nila at talagang sasamahan sila throughout their stay here, kahit nakakulong sila sa wards kasama ng iba pang psych patients.

Nag-order ang hospital ng McDo for all the patients at may pa games and mascot din sila. Sobrang tuwang tuwa ng patients. Dahil sa affliction kasi nila, most of them galaw bata na and is amused by the most random things.

Si Jules, yung favorite ni Freia, madami nang napanalong games at tuwang tuwa din sa mga premyo niyang toys.

After namin mabigyan ng food lahat ng patients, kumain na rin kami. Dahil nga Christmas party ngayon, eto lang ang activity namin this morning at walang OPD ngayon.

Mamayang gabi naman, Christmas party ng staff. Dadating lahat ng consultants namin at required din kaming lahat ng clerks na umattend.

As in required. Nag-threat si Doc Tina na idedemerit ang di umattend. Katunayan, may ipeperform pa kaming sayaw dahil ni-require din ni Doc Tina (with the same demerit threat). Kahapon nga lang namin nalaman so kahapon lang kami nag-isip ng gagawin.

Sabi ni Tim ng pa-joke na maraming hinanakit si Doc Tina sa buhay at sa amin nilalabas. At dahil pinarinig niya yun kay Doc Tina, ni-require siya magkaron ng sariling performance kundi daw ay magrerepeat rotation siya. Nadamay naman si Mark dahil nagmakaawa sa kanya si Tim at di siya marunong kumanta, mag-gitara lang. Si Mark pala kumakanta at ilang beses na rin sinali ng class sa singing contests ng school.

Other than that, need din namin pumunta ng nakaayos. Di daw pwedeng nakascrubs or casual clothes lang kami or may appropriate demerit na kapalit. So ayun, nagdala na lang ako ng pampalit. Bahala na lang.

Mamaya na rin namin isasabay yung exchage gift namin. Kami-kami lang naman na clerks. Nagbunutan lang kami a few weeks ago tapos naglist ng wish list sa Tele.

Si Freia ang nabunot ko and simple lang naman yung gusto niya: Victoria na notebook. Pangreview na rin siguro niya. Ako, di ko alam kung anong pwedeng gift sa akin so ang nilagay ko na lang, 'something useful.' 

I wonder, sino nakabunot sa'kin?

I wonder, sino nakabunot sa'kin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon