After ng adcon, nagpaalam na rin sila Mark at pumunta na ng ER at OPD. Kami naman nila Freia, sabay sabay na ring pumunta sa wards.
Sila Freia, Kriz at Tim, usually ang start talaga ng rounds sa wards. Ako yung naiba kasi yung seniors ko sa ICU lagi nagsisimula. Pero ngayon kasi naisip ko na kumuha na muna ng mga papers for discharge plans at least. Mabilis lang naman kasi gawin yun. Gagawin ko na habang nagrarounds kami since matagal magrounds sila Doc. Para mabawasan na yung from yesterday and if matapos ko even yung for today, medical abstracts na lang matitira mamaya. At di naman ganun kadami nagpapagawa nun.
Yun lang, pagdating namin sa ward, nagsisitakbuhan ang nurses.
"Code!" Narinig naman namin.
"Shit, wala na kong lakas." Sabi naman ni Kriz sa tabi ko. From duty na kasi siya.
Pero tumakbo na rin kami papunta dun sa bed na narinig naming sinabi ng nurse.
Andun na si Doc Lui--yung resident ni Tim. Siya yung nagpapump. Agad naman siyang nirelieve ni Tim.
"Kriz, ikaw na sa ambubag since from ka." Sabi naman ni Tim.
Sumunod naman si Kriz at kami ni Freia kumuha na ng gloves at mask at nagready. Sinuotan din ni Freia si Tim since dumerecho siya sa patient.
Nakawalong epi kami--24 minutes na pagpapump nung sinabi ng kamag-anak na gusto na nilang ipatigil. Hindi namin narevive yung patient.
"Admission namin yan kaninang madaling araw." Sabi naman ni Kriz nung naghuhugas na kami ng kamay. "Lepto. Kaso ayaw kasi magpadialysis kahit dilaw na dilaw na. Ayan tuloy. Tsk. Ang bata pam 32 lang ata yan."
Napailing naman ako. Naalala ko nanaman yung patient ko na CKD. Nagstart na siya magdialysis at nakadalawang sessions na. So far, mukhang gumaganda naman na. Sana magtuloy-tuloy.
Kumuha na rin ako ng papers na kaylangan ko tapos pumunta na sa ICU. Pero wala na dun sila Doc. Dumerecho naman ako sa next na ward sa routine namin. Asa third patient na sila.
Dumerecho naman na ako sa pasyente at kinuha yung vitals. Nireport ko din kaagad kayla Doc pero derecho lang sila sa discussion nila.
Nung makapag-order na sila, saka lang nila ako pinansin.
"San ka galing Nicole? Bakit ang tagal tagal mo. Ang dami na naming nadaanang patients. Alam mong pwede kitang i-demerit di ba?" Sabi naman ni Doc Jasmine ng pagalit.
Nagulat ako, pero sumagot ako. "Doc, may nagcode po sa ward." Sabi ko naman. Pinigilan ko yung sarili ko magsabi ng sorry. Kasi sa orientation naman, priority talaga ang code, since clerks ang code team. Talagang kahit anong ginagawa, iiwan muna dapat para maasikaso yung code.
"Totoo ba yan o nag-eexcuse ka lang?" Tanong naman ni Doc Darice.
"Doc, pwede niyo naman po icheck kay Doc Lui. Patient po niya yun. Pwede niyo rin po itanong sa nurses if andun ako kanina. Or even sa family po nung patient. Ako po yung sinabihan nila nung pinapastop na yung CPR." Sinabi ko naman respectfully.
Tumingin lang sa akin si Doc Darice at di na nagcomment. Si Doc Jasmine naman nagnod.
"Next time, magsabi ka if may code kayo." Sabi naman ni Doc Jasmine.
Naisip ko naman, may code na nga, magtetext pa ko? Habang nagpapump? Pero di na ako nagcomment.
Nagtuloy na kami sa rounds. At so far naging okay naman yung paggawa ko ng discharges. Since matagal kami per patient, nakakapagsulat ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...