Nicz's POV
It's already December at last month, nagstart na si Mark sa preresidency niya sa L. Olivar. Likely naman na makukuha siya and magstart na siya as Psych resident next year.
For me naman, since I want Optha, I need to pass the exam pa muna. So sa ngayon, I'm reviewing habang nagmu-moonlight. Para rin may sweldo na kahit papano.
I don't usually go for straight duties naman, unlike yung ibang kilala kong nagmu-moonlight na minsan straight 3 days duty ang kinukuha, since nagrereview pa nga ako. Usually din, I only go on duties if wala akong ibang lakad kinabukasan or anything.
Pero nag-SOS na talaga kasi sa'kin si Doc I-ka--siya yung IM resident ko sa St. James na senior resident na ngayon.
Since malapit na yung Christmas, skeletal na kasi yung mga clerks and interns nila so kulang sila sa tao ngayon. Di na 'ko nakatanggi especially since mukhang desperate na talaga si Doc--hindi ko rin naman kasi sinabi na may ganap ako kinabukasan.
Pero ayoko rin naman na ipostpone pa yung pamamanhikan for it. Anyway, it'll only be a 12 hours duty. Pinapapasok naman ako ni Doc ng 7PM na and I jusy have to stay until 7AM (per hour naman yung bayad). Hopefully since gabi naman na, di na kami matoxic sa ER.
At the very least, di sumakto etong duty sa day of pamamanhikan. And I've experienced 36hours duty naman na na okay pa rin ako pagka-from ko. So I think everything will be okay naman.
--
By around 5AM, parang gusto ko na lang umiyak. I haven't slept a wink, and I think 5 mins lang ako nakaupo since I got in at 7PM.
Sobrang toxic, di ko na maintindihan. Since kulang sa tao, ako lang yung nasa ER na resident. Tapos isang intern at dalawang clerks lang yung kasama ko. And even sila, walang mga tulog.
Nakailang code kami (may nagsabay pa), may isa pa kaming DOA, tapos may pumasok pa na leptospirosis case na mukhang inalagaan na so need na at once ng dialysis. Ang dami ding patients na cases of uncontrolled hypertension, tapos may isang family pa na case of food poisoning.
Di pa ako nakaalis kagad sa end ng shift ko since ang dami kong nabacklog na mga results tapos ayoko din iwanan si Emily--yung papalit sa'kin, since by 8am biglang dagsaan nanaman patients.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...