20 - Psych

1K 29 4
                                    


Med trivia
so dito, eto ang training ng doctors:
-4yrs premed
-4yrs medschool including clerkship
-1 yr postgrad internship
-boards
-residency training (3-6yrs, depende kung anong specialty kukunin mo)
-fellowship/subspecialty
-consultant -eto pa lang yung fully qualified physician

Med triviaso dito, eto ang training ng doctors:-4yrs premed-4yrs medschool including clerkship-1 yr postgrad internship-boards-residency training (3-6yrs, depende kung anong specialty kukunin mo)-fellowship/subspecialty-consultant -eto pa lang yun...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello?" Sagot ko naman.

"Nicz." Sabi naman niya sa kabilang linya. "Sabay tayo?" Tanong naman niya.

"Ay, Mark nasa dorm pa ko. Wag na lang at ma-out of the way ka pa." Sabi ko naman. Yung way kasi ng dorm ko from his dorm taliwas ng papunta dun sa mental hospital.

First day namin sa Psych ngayon and preduty kami so late na ako nagready na umalis.

"Syempre I'll fetch you. Malapit lang naman dorm ko sayo. Saka nakakotse naman. Ano? Punta na ko diyan ha." Sabi naman niya.

Well, more convenient naman pumunta dun sa kotse. Pag commute kasi need ko magtricycle then magbus or jeep.

Dumating naman si Mark ng around 7:30am.

"Good morning." Sabi ko naman pag sakay ko sa front seat.

Ngumiti naman siya. "Good morning. Bumili na pala ako ng breakfast." Sabi naman niya at nakita kong may McDo nga doon at mukhang para sa aming dalawa.

"Ay, thank you." Sabi ko naman. "Magkano yung akin?"

"Syempre libre ko yan." Sabi naman niya.

"Ano ka ba. Di na uso yan. Mahirap na panahon ngayon."

"E di ba pag nanliligaw ganito? Like I should give you things..?" Tanong naman niya.

"Ganun ba yun? Di ba more like paparamdam mo lang na you care and you're serious. Tapos getting to know na rin?"

"Ganun ginawa ng mga dati mong manliligaw?"

"Sira, san nanggaling yun?"

"Imposible namang wala pang nanliligaw sayo."

"Well, FYI Doc Riego, wala pa. May mga nagtanong na if pwede pero..."

"Ako pa lang pinayagan mo?" Nakita ko naman ang laki ng ngiti niya. Natahimik naman ako. Sa sobrang sanay ko na kausap si Mark minsan talaga di ko na namamalayan mga nasasabi ko.

Natahimik kami for a while. Nakangiti lang siya. Ako tinitignan lang siya in my peripheral view.

"Well, this is me taking care of you." Sinabi naman niya na parang walang pause sa usapan namin, going back dun sa topic na kung pano ba dapat manligaw.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon