48 - IM

1.1K 11 0
                                    

(Was supposedly part of 49 pero parang inappropriate kasi idugtong 😅)

Nicz's POV

After ng adcon, bumalik na kami sa post namin. Tapos na ko sa OPD and since tapos na kaming lahat, nagtanong na lang sila Doc kung sino gusto mag-OPD for the last two days. Last duty na kasi namin 'to sa IM. Bukas last day na. Nagprisinta naman si Freia. So siya ang nasa OPD ngayon.

I don't know kung depende lang talaga sa month or something pero di na ganun kadami ang patients sa ER ngayon. Usually nakakaupo na kami at nakakapagkwentuhan. Unlike nung start na talagang busy kami sa mga sariling patients. Actually, parang yung Pedia ER ang busy ngayon. I guess kasi bakasyon na rin ng mga bata.

So chill naman kami sa ER until about nung duty hours. Kung kaylan talaga mag-isa na lang ako, saka nagsidatingan yung patients. Pero nakawala naman ng pagod nung dumaan si Mark sa ER para hatiran ako ng dinner. And parang lucky charm ko, after niya dumaan, kumonti na rin yung patients namin.

Nung umaga, halos wala nang patient sa IM ER so pinapunta na ko ng maaga ni Doc sa conference room. Wala naman kasing kaylangan bantayan. Para din makapag-ready na ko sa adcon ko.

Andun naman na si Mark at Freia pagdating ko and tinulungan nila ako isulat yung mga admission namin kagabi.

Maya-maya rin lang, nagsidatingan na yung iba at nagsimula na rin yung adcon. Most ng mga dumating kagabi is outpatient naman so konti lang din yung in-adcon ko. Since patapos na kami, wala na rin masyadong tanong ang mga seniors sa amin so mabilis lang talaga.

Patapos na akong in-endorse yung last patient ko nung napansin kong tumayo si Doc Ojano para sagutin yung phone niya. Hindi ko na rin pinansin at nagderecho na ko sa endorsement ko.

Kaso biglang bumalik si Doc Ojano na mukhang worried.

"ER clerks, punta muna kayo sa ER.  Tulungan niyo Surgery. May mass VA sila. May nagko-code ngayon. Mukhang nasa OR lahat ng clerks nila." Sabi naman niya.

Medyo nalilito ako, at tingin ko ganun din yung iba pero sumunod na rin kami at nagmadali na papunta ng ER. Usually kasi kung kaninong department yung code, sila yung magha-handle. But I guess tumawag nga yung Surg sa IM para magpatulong.

Sumama na rin si Freia sa amin since di pa naman magsisimula ang OPD till around 9am.

Pagdating sa ER, nakita ko naman na andun na si Doc Ryan, yung isa sa fellows namin na nag-iintubate. Buti na rin lang andito siya kasi magaling siya mag-intubate. Siguro nagra-rounds siya dito nung nag-code. Si Sir Arvin--yung ER nurse naman yung nagpa-pump.

Dumerecho naman si Kriz kay Sir para palitan na siya at ako naman dumerecho kay Doc Ryan para iassist siya. Medyo nagulat ako nung nagmura si Kriz.

Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa mukha nung patient.

Tumingin siya derecho sa may side ko at napasunod ako ng tingin. Si Freia at Tim andun lang at nakatayo, nakatingin lang din sa patient.

"Huy! Kayong dalawa. Tawagan niyo na si Charles!" Sabi naman ni Kriz.

Ha?

Di pa rin gumalaw yung dalawa.

"Timothy! Tawagan mo na si Charles! Freia, tawagan mo si Mark. Bilis!" Sabi pa ni Kriz.

Gumalaw na si Freia nun at nilabas yung phone niya. Pero si Tim di pa rin gumagalaw. Di ko naiintindihan anong nangyayari.

Right then, naipasok na ni Doc Ryan yung tube so nag-focus muna ako dun at tinulungan ko siyang i-secure. Then nag-start na rin ako mag-ambubag.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon