49 - Anesth and Radio

942 11 0
                                    

Nicz's POV

Medyo naging busy kami the following weeks. Done na kami sa IM and for our last month, sa electives na lang kami. Hiwalay kami ni Mark since same ng pairing sa Electives namin noon. So I'm with Ate Ara sa Anesth and Mark is with Hannah sa Radio. Sila Tim, Freia, Kriz at Ericka sa LGH ngayon for their ENT and Optha (salitan na from before).

It was a good thing na Radio si Mark since yung schedule nila is 2 pre. Bale Preduty 1, Preduty 2, Duty then From duty. Every 4 days ang duty. Unlike sa Anesth na same pa rin na Preduty-Duty-From. This meant na magkaiba kami ng schedule ni Mark, pero at least he was able to go sa wake ni Tito George even if hindi ako makasama lagi.

Nakwento naman niya na naging okay na rin sila ni Charles. Well, mukhang papunta naman na dun talaga. Pero with what happened, I guess napabilis lang. You realize a lot of things when something like this happens. Naalala ko when my dad passed away. Ganun din ako. Charles probably realized how petty their fight was and how it's such a waste not to be with his loved ones for something as trivial as that. Baka rin medyo nagsisisi siya na Mark and Tim wasn't able to hang out with his dad for a long time before he died. Mukhang close talaga yung dalawa sa kanya e.

Mabilis natapos yung 2 weeks ko sa Anesth. Parang di ko na rin namalayan. Sobrang focused lang kasi ako talaga sa work and taking care of Mark when I can. Since magkaiba duty status namin ngayon, minsan kasi nagkakasalisi kami. Pag duty ako, pre siya. So di kami magkikita since sa hospital ako matutulog. Pag siya naman yung duty, from na ako, so di pa rin kami magkikita unless bisitahin namin ang isa't-isa sa hospital. Which is mahirap din since kulong lang ako sa OR--di naman ako pwedeng lumabas. And di rin pwedeng pumasok si Mark unless naka-sterile scrub suit siya.

Medyo nakakapanibago na minsan ilang days na di kami tabi matulog. Pero I guess maganda na rin na konting adjustment in preparation for Internship? Lalo na since mukhang magkakahiwalay kami ng hospital.

I haven't actually talked about that kay Mark. Mukhang determined pa rin siya magpa-unmatch sa L. Olivar at magpa-match na lang sa St. James.

Kaso sabi nga ni Kate, punuan sa St. James. Pano if magpa-unmatch siya tapos di rin naman siya makapasok sa St. James? Mawawalan pa siya ng hospital.

I'm planning to talk na rin to my mom. About what has been happening. Siguro i-update lang siya sa relationship namin ni Mark since medyo mabilis nga progress namin.

Honestly, I wouldn't even be too surprised if nagpaplano na si Mark ng proposal, knowing him. Personally, di pa ako ready and I'm sure alam naman niya yun but he had mentioned it a lot of times na. I know it's on his mind. So I guess heads up na rin kay Mama. Ayoko naman na magulat siya or anything if the time suddenly comes. I think safe pa naman until boards since I told him about Doc Rusty's proposal just before the boards kay Doc Lyca and specifically told him ayoko ng ganun. Mabuti nang malinaw.

--

First weekend ko sa Radio, from ako ng Friday. Since walang pasok sa Radio ng weekends unless you're on duty, that meant free yung weekend ko. So naisip ko na umuwi muna sa Manila. The last time I did was before clerkship pa so this was actually long overdue na. Almost 1 year na akong di nakakauwi. Sadly, duty ngayon si Mark sa Anesth, so hindi niya ako mahahatid sa bus terminal. Dumaan na lang ako sa Anesth dept before I went. Derecho na kasi ako sa bus terminal from the hospital.

I was happy na nag-unscrub siya so he could talk to me before I go. He gave me a big and long hug. It's the first time na magkakahiwalay kami after we got together. So nakakabago nga talaga. And we haven't seen each other regularly for a while so ngayon pa lang miss na miss ko na siya. But I guess this is a good thing? Di naman pwedeng umikot ang mundo namin sa isa't-isa. Pagdating sa Manila I would be living again with my family and siya naman magdo-dorm, so siguro mahihirapan na rin talaga kami magkita regularly.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon