19 - Psych

764 21 1
                                    

Malayo yung Mental Hospital so ginamit na namin yung kotse ni Mark. 30 minutes away siya from CMH so kaya naman ang uwian pero mukhang dapat talaga maaga pumasok lalo na at 7am ang call time.

Napag-usapan nga na sabay-sabay na lang pumasok everyday gamit yung kotse ni Mark pero parang lugi naman si Mark nun.

"Pwede naman, pero siguro hati-hati na lang sa gas?" Nagsuggest naman ako.

"SHHH!" Sabi bigla ni Tim. "Eto namang si Nicz e. Makakalibre na nga tayo e."

"Guys," Sabi naman ni Mark. "Parang malabo din. Magkakaiba tayo ng duty status." Sabi naman niya.

"Magkakaiba ba time in per duty status?" Natanong ko naman.

Nagnod siya, not looking away from the road. "7AM talaga lahat pero OPD starts at 9AM so maluwag sila sa pre. As long as andun na sila before that. Pero may rounds na ng 7AM and required ang duty na sumama dun."

"Strict pala sa Psych?" Tanong ko naman. Electives din kasi ng matuturing ang Psych.

He shook his head. "Di naman. Actually, sobrang chill nga lang. Pero syempre, need ng duty yung endorsement."

Nagnod naman ako.

"Sana magkaduty tayo, para pwede tayong sabay pumasok." Sabi naman niya sa'kin.

Sasagot na sana ako kaso nauna si Kriz na nakaupo din sa likod. Sa front seat kasi ako.

"Ayun e. Kay Nicz may offer, sa amin wala." Sabi naman niya.

Nagsmile naman si Mark ng nang-aasar. "Eh sino bang nililigawan ko?"

Nagglare sa kanya si Kriz. "FO."

"Mabuti na din palang 'wag tayong sumabay sa kanila. Maiirita lang ako." Sabi naman ni Hannah with a roll of her eyes.

"Nako, kung magkaduty sila sana hindi nila ako kaduty. Ma-oOP lang ako." Sabi naman ni Freia.

Tumawa naman si Ate Ara. "Oh chill na, sino kaya nagpush sa kanila?"

Sabay-sabay naman sumagot yung iba ng "Si Tim."

"Teka e bakit parang galit kayo? Bakit parang kasalanan ko?" Sabi naman ni Tim with Bea Alonzo hand gesture. Tumatawa na ako nun. Namiss ko din talaga kami na magkakasama.

"Wait, wait, wait. Nililigawan ni Mark si Nicz?" Tanong naman ni Ericka.

--

Nakarating na rin kami dun sa mental hospital at medyo lublob pala siya. Wala masyadong buildings at bahay sa paligid at puro puno at halaman lang.

"So..." Nagsimula naman magsabi si Tim. "Makakalabas naman tayo dito di ba?"

"Baka ikaw maiwan na sa loob. You belong e." Sabi naman ni Kriz.

"Kids." Suway naman ni Ate Ara. Natawa naman ako dahil tumigil talaga yung dalawa.

"San na tayo pupunta?" Tanong naman ni Freia pagpasok namin sa gate. Malawak yung lugar and may iba't-ibang one storey building. Probably wards sila.

"Dito." Sabi lang ni Mark at nauna na siyang maglakad papunta sa isang building sa right.

"Nakapunta ka na dito dati?" Tanong ko naman.

Nagnod naman si Mark.

"Ingat ka diyan Nicz, pasyente dito yan dati." Banat naman ni Tim.

Di naman siya pinansin ni Mark.

Pumasok kami dun sa building at may mga nurses dun. Narealize ko naman na OPD building pala 'to. Pinapunta kami sa isang office and dun na kami naghintay.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon