Maaga akong nagising kinabukasan kahit na ilang oras lang siguro ako nakatulog. Di naman ako inaantok. Pumunta naman na ako sa kitchen para kumuha ng glass of water or maybe a cup of coffee.
Andun na si Mark.
Mukhang nagulat din siya na gising na ako. Nagsmile naman siya.
"Good morning, doc." Sabi niya.
I grinned. "Good morning din, doc."
"Coffee?" He asked.
I just nodded.
Dumating na rin sunod-sunod yung iba tapos nagbreakfast na din kami. Si Tim, Freia at Kriz mukhang puyat at hikab ng hikab.
After nun nagready na rin kami para umalis. Sabi naman ni Mark dun uli kami sa Frente Al--kung san kami nag-ATV last week. May mga activities pa kasi dun like Zip Line, Cable Cars tapos may Spa area pa.
Inuna naman namin yung cable car since sabi ni Mark maganda pag umaga at wala pang masyadong clouds at di din masyadong mainit. After nun, tinry namin yung Zip line. Takot si Hannah sa heights so hindi siya sumama. Mas keri daw niya yung cable car kasi at least nasa loob kami ng car.
After nun, dumaan kami dun sa butterfly garden. And then, nangulit na si Tim na mag-ATV. Ayaw ni Mark kasi nga last week nag-ATV naman kami. Si Freia naman go at nag-enjoy daw siya. Okay din sa iba na i-try. Pero ayaw talaga ni Mark. Tumingin naman siya sa'kin na parang nagsusumbong at sinasabing wag ako pumayag.
Hala ano naman ang gagawin ko?
"Siguro kung sino na lang may gusto?" I suggested naman.
"Actually..." Sabi naman ni Hannah. "Gusto ko sana ma-try yung spa..."
"Ay, gusto ko din dun." Sabi naman ni Ericka. "Dun tayo, Gandz." Sabi niya kay Ate Ara.
"Nge. So maghiwahiwalay na lang?" Tanong naman ni Freia.
"Kaysa magkapilitan?" Sabi ko naman with a shrug. "Kita kita na lang uli mamaya."
"O sige, so kaming tatlo sa ATV, kayong tatlo sa Spa. E kayo?" Tanong naman ni Kriz sa amin ni Mark.
Nagkatinginan naman kami.
"Gusto mo bang mag-ATV? or Spa?" Tanong naman ni Mark sa akin.
"Uhm. Actually, medyo nagugutom na ko." I just said honestly.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...