Nicz's POV6AM ang call time namin para sa med mission. Ang instruction lang naman is to bring our paraphernalia and wear either yung uniform scrubs namin or civilian with white coat.
Kami ni Mark nag-scrubs na lang since di naman namin sure kung san kami pupunta. Sabi niya dati daw sa basketball court lang sila at mainit. So mas safe na na scrubs na lang.
Dumating naman kami sa hospital before mag-6AM. Dumaan na rin kami ng 7Eleven para bumili ng breakfast at baon. Pero I guess, di na mawawala sa mga Pinoy, nagsidatingan yung iba passed 6 na. At yung service namin, dumating ng 7AM na. Di pa rin kami kagad nakaalis at hinintay pa yung wala pa dun. Yung Surgery clerks daw tinapos pa yung rounds.
Naintindihan ko naman kung bakit pa nila need tapusin yung rounds nung dumating si Kate at si Charles. From duty pala sasama sa kanila. Talagang need muna nila mag-endorse.
"Mark, Nicz!" Bati naman ni Kate. Grabe, hindi mukhang from si Kate. Perfect pa rin ang hair at nakalight make up siya. May mga tao din talaga na kahit walang tulog ang ganda pa rin no?
"Hi Kate, Charles." Sabi ko naman.
Bumeso naman sa'min ni Mark si Kate tapos si Charles nag-nod naman sa'kin. Napansin kong di siya tumingin kay Mark at ganun din si Mark sa kanya. Parehas silang walang imik.
"Tabi tayo ha." Sabi naman ni Kate sa'kin. Nag-nod naman ako.
L3 yung service na gagamitin namin today since di naman kami ganun kadami. Tig 2 clerks per major departments tapos 1 resident from IM and 1 resident from Pedia. Konti din kasi talaga ang residents ng CMH e. So di pwede magbigay ng madami.
Pinasakay naman na kami sa service. Umupo kami ni Mark sa pinakadulo tapos umupo sa kabila ko si Kate. Si Charles naman walang imik na umupo sa kabilang dulo at mukhang naghahanap ng masasandalan. Pumupwesto na para matulog e. Umalis na rin naman kaagad yung service.
"Bakit pala di na lang yung pre-duty pinasama sa inyo?" Tinanong ko naman si Kate.
"Ang dami kasing OR ngayon e. Mas gusto nila na pre ang mag-assist para mas may energy at di makatulog." Kate said simply. "Anyway, matagal naman byahe so makakatulog pa kami. At half day lang naman 'to so kaya naman. Mas maaga pa rin makakauwi."
"Ay, half day lang pala?"
"Yeah. Tapos malaki din ang ibabayad. Tig-2k daw tayo since malayo. So solve na." Sabi naman ni Kate.
Tumingin naman ako kay Mark.
"Siguro if alam ni Frei, siya na sasama no?"
He grinned. "For sure. Yung last namin, whole day tapos p500 lang e."
After just a while, kahit si Kate nakatulog na. Nag-share naman kami ni Mark ng earphones at nakinig muna sa music. 2 hours pa ang byahe namin. Siguro matutulog na rin muna ako.
--
BONUS:
Kate
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...