Third week of September na. Okay naman na ako and balik na kami sa regular progam. Ang bilis lang din talaga ng oras. Patapos na din kami ngayon sa Pedia. Sa Rooming In na ko ngayon. Mabilis lang naman din ang gawain dito. Need mo lang icheck lahat ng newborn if may jaundice (paninilaw), problem sa breathing or any problem at all. If clear naman, pwede na silang umuwi. Tapos yung paperworks, usually 3pm tapos na kami ni Doc Julie.
Duty kami ulit today so nagpaalam na din ako kay Doc Julie after matapos ang mga kaylangan gawin at pumunta na sa ER. These days ganito na routine ng team. Pagtapos na sa work, tutulong na lang sa ER.
Pagdating ko, andun na si Mark. OPD naman kasi siya this week kaya maaga din matapos. Wala naman masyadong pasyente so umupo na lang muna ako sa may table. Nakaupo lang din si Mark dun. Si Ate Ara na ER ngayon, may kinukuhaan lang ng measurements na pasyente. Si Kriz yung isa pang ER pero umuwi na siya kaninang tanghali since from duty siya ngayon.
Ngumiti naman sa akin si Mark at ningitian ko din siya. May nagbago sa kanya ngayon. I don't know why pero parang may air of awkwardness na sa amin? Minsan ko lang naman nararamdaman. Parang kinakabahan siya tapos tahimik lang. Most of the time naman siya pa rin yung usual na Mark. Pero di ko lang din alam bakit may mga instances na parang di siya makatingin sa akin. O namamalikmata lang ba ako?
Maya-maya lang dumating na rin si Tim. Ward naman siya ngayon na mas busy sa hapon kesa sa umaga kaya talagang minsan nalelate siya. Pero okay lang din naman kasi mukhang nawala naman na ang toxicity sa grupo namin. So kaya naman kahit kami lang muna ni Mark.
Pagdating ni Tim, umupo siya sa tabi ko.
"Lecheng steth talaga yan." Sabi naman niya.
Ilang beses na yan nagrereklamo kasi yung bagong steth niya, hindi daw maganda. Ang labo daw ng sounds. So hanggang ngayon nagluluksa pa rin siya about dun sa nawalang steth niya.
Pagkaalis ni Ate Ara, may ilang bagong patients na dumating. Pero mabilis naman namin nainterview at naevaluate. Yung isa, 17 years old na inuubo for 1 month. Nag-antibiotic na siya pero di pa rin daw nawawala. So nagparequest si Doc Aya ng Chest X-ray. Napasimangot naman kaming tatlo dun.
Yung kaduty kasi namin na resident sa radio, masungit. Ayaw sa kanya ng lahat ng clerks, interns at even 1st year residents kasi nanonoxic siya. As in manghihingi ka lang naman ng reading ng X-ray, irerevalida ka pa.
Nung una akong magtanong sa kanya, kakadating ko lang nun sa ER tapos sinabihan lang ako ni Doc Aya na pasuyo nga yung initial. Di ko nakita yung patient and di ko naexamine, obviously. Sinabi lang ni Doc na kaya pina-Xray kasi nag-difficulty of breathing tapos may crackles upon auscultation. E yun lang naman ang need na malaman ng radiologist para maread ng maayos yung chest X-ray. Pero ayun, tinanong ako ng buong history of present illness (di ko alam), medications taken (di ko din alam), complete physical examination (syempre di ko pa rin alam) tapos pinagalitan ako dahil anong klaseng doktor daw ako kung wala akong alam sa patient ko. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila na lang ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...