33 - IM

931 17 1
                                    

Nagstart na mag-orient si Doc Ojano-- siya yung clerk's monitor namin dito sa Internal Medicine. Nakapagcourtesy call naman na kami the other day, pero pahapyaw lang yung pag-explain niya sa amin nun at wala pa kaming assigned post o resident. Dito kasi sa IM, 'pag sa ward, one clerk is to one resident.

Inexplain muna ni Doc uli yung schedule namin. Kung kelan ang mga conferences, at yung time in, time out namin.

Balik na kami sa 7am na time in ngayon unlike sa Surgery na 5:30am. Parang sa Pedia, meron kaming regular posts--assigned posts kapag hindi pa duty hours. Pero unlike sa Pedia, 3 areas lang kami: ER, ward or OPD.

Bale mahahati ang Team R sa dalawa. Kasi sa 1st month, yung apat sa amin nasa ward, yung apat pa nasa ER and OPD. Tapos sa 2nd month, magpapalit naman.

Sinabi naman na ni Doc nung nagcourtesy call na as is na yung duty status namin para di na namin need mag-adjust. So kami pa rin ang magkakaduty ni Mark at Freia.

Inexplain din ni Doc yung mga tasks namin (paperworks as usual) and required skills to accomplish pati kung ano yung pwedeng makapagmerit or demerit sa amin.

Pinakita naman na ni Doc Ojano yung ginawa niyang schedule para sa regular post.

Medyo nalungkot ako. Ward kami ni Freia this month along with Tim and Kriz. Si Mark, Ate Ara, Ericka and Hannah ER/OPD. Well, I guess at least magkaduty pa rin kami.

Si Mark muna ang nilagay sa OPD dahil nga dun sa nangyari. Yung OPD daw kasi ang pinakamagaan ang trabaho, at least during the pre-duty hours.

Inexplain din sa amin na kami yung magiging code team. Meaning if may nag-code (or may nag-arrest/tumigil ang tibok ng puso), clerks ang magsi-CPR at magtatry magrevive. Hindi naman namin need tumakbo kung saan may code, dun lang naman sa area namin. So kaming bahala sa code sa ward, sila Mark bahala sa code sa ER. Ang problem lang talaga dito, ang lawak ng ward ng IM. So likely na mag-Amazing Race kami paminsan.

Medyo kinakabahan din ako kasi nung nagtraining kami ng BLS bago magstart ang clerkship, ang bilis ko mapagod sa pag-CPR. Feeling ko ang hina ng pwersa ko.

After naman nun, nagstart na magbunutan para sa mga ward clerks. Sa ER kasi, depende sa duty status yung magiging resident mo, pero dito sa ward hindi naman need na same mo ng duty day yung resident mo. Sabi pa nga ng previous clerks, mas okay if hindi kayo magkaduty. Di ko lang natanong kung bakit.

May mga naendorse naman na sa amin sila Dennis (yung previous group dito sa IM) so kahit pano may konting alam na kami sa residents. Meron daw yung parang si Doc Billy na mautos, meron din yung chill parang si Doc Chard. Kahit si Doc Ed nagsabi na sa akin about an IM resident na nakaaway daw niya. Nakakagulat na may nakaaway siya in the first place so I don't know ano ieexpect sa mga resident dito.

Bumunot na si Kriz, tapos si Tim, Freia at ako.

Hindi kami makareact dahil andun si Doc Ojano. After ng bunutan, nag-explain pa siya about naman sa topics na kaylangan namin idiscuss at sa admission conferences. After nun, inikot na niya kami sa IM area. Sa clerk's quarters, sa wards, ER at special areas.

Medyo kinakabahan ako sa rotation na to.

Medyo kinakabahan ako sa rotation na to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon