The following day, sinundo kami ni Ate Ara ni Mark. Dala uli niya yung car.
Pagdating sa hospital, hinatid pa niya kami hanggang sa ENT at hinintay na dumating sila Jonathan at Paul bago umalis. Binilin pa niya talaga kami ni Ate Ara dun sa dalawa. Pero nireassure naman siya ni Paul at sinabi na OPD naman kami ngayon so less likely na makita namin yung Doc Max na yun.
"Actually, baka ikaw ang makakita sa kanya ngayon." Sabi naman ni Paul. "OR day ng Optha ngayon."
Sumimangot naman si Mark dun.
"What's his name?" Tinanong niya si Paul.
"Max Hernandez." Sabi naman ni Paul. Eto namang si Paul parang nangpoprovoke pa.
"Mark, wag mo na hanapin, jusko." Sabi naman ni Ate Ara.
"Oo nga, Mark." Sabi ko naman. "Baka mamaya magkaissue pa."
"Hayaan niyo na si Mark." Sabi naman ni Paul. "Nakakagaan ng pakiramdam yung at least mamura mo siya sa utak mo."
Natawa naman dun si Mark at nagthank you kay Paul. Nagpaalam na rin siya after at pumunta na sa Optha.
After namin magsign sa logbook, pumunta naman na kami ng OPD building. Grabe ang daming tao.
Nakwento naman ni Doc Raj na nung mga nakaraang buwan iilan lang patients nila since bago nga lang yung department. Pero ngayon kasi, alam na ng tao na may ENT na, so dagsaan na.
Tinuruan naman kami ni Doc Dale ng mabilis na pag-examine ng ear, nose at throat tapos hinayaan na kami magconsult ng patients at irefer na lang sa kanila after.
Hanggang lunch lang dapat ang OPD pero dahil ang daming tao, lampas 1PM na kami natapos. Pinaglunch naman na kami nila Doc nun ng sabay-sabay since di nga naman daw toxic sa wards. After nun bumalik na kami sa main building.
"Ay, need ko pala magwithdraw." Sabi naman ni Vielka habang naglalakad kami. Nagprisinta naman si Paul na samahan siya.
Nakareceive naman ako ng text kay Doc Dale nun na may referral sa IM ER. Kami na ni Jonathan yung pumunta at si Ate Ara bumalik na muna sa wards.
Saglit lang naman kami sa ER. Ni-examine lang namin yung ears nung patient (mukhang may general infection siya and affected pati left ears) tapos tinawagan si Doc Raj para magrefer.
After nun, bumalik na rin kami sa wards.
Napatigil kami parehas nung nakita namin kung sino yung andun.
Si Doc Max. Kausap si Ate Ara.
"Dito ka lang." Sabi naman sa'kin ni Jonathan at naglakad na rin siya papalapit dun sa dalawa.
Naririnig ko naman yung pinag-uusapan nila.
"Classmate mo si Doktora Nicole?" Kinilabutan ako nung sinabi niya yung pangalan ko. Talagang natatandaan niya ako.
Hindi naman sumagot si Ate Ara. Expressionless yung mukha niya.
"Ang daming magaganda sa batch niyo ha." Tinaas naman ni Doc Max yung kamay niya at mukhang hahawakan niya yung mukha ni Ate pero dun na pumasok si Jonathan.
"Ara!" Sabi naman niya. "Tawag ka ni Doc Dale."
Nagkataon naman na dumating si Doc Dale mismo nun.
"Putang ina." Narinig ko namang sinabi niya pagdaan niya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Doc Max at nasa tono niya yung inis niya.
"May irerefer lang, Dale." Sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...