Prente akong nakaupo sa waiting shed habang naghihintay ng bus, late na ako pero hindi ko makuhang magahol. Ang tipid naman kasing dumaan ng mga bus dito, nakakaburyo ang paghihintay.
Sa higit kalahating oras na pag-aantay ko, salamat at may dumaan na ring bus. Pumasok na ako sa bus at umupo sa may bukana, hindi pa man ako nakakaupo ay may tumawag na sa akin.
"Ysa." Hinanap ko ang boses sa likod at sa gilid. Natagpuan ko si Yena sa may bandang gilid ko sa 'di kalayuan na upuan. Naka-upo na siya at ang kamay ay nasa ere.
Oh, late din siya? "Hi," bati ko sa kaniya bago umupo sa kalinya niyang upuan.
"Kamusta?" Tanong niya sa akin habang pasimpleng lumipat ng upuan sa may tabi ko. Buti at hindi pa nakakaandar ang bus.
Nginiwian ko siya at sinabing "Ayos lang." Hindi ko na tinanong kung kamusta lang siya dahil hindi naman ako interesado sa buhay niya.
Akma kong isusuot ang earphone ko para sana makaramdam ng ginhawa sa kantang patutugtugin nang magsalita na naman siya."Ang ganda mo," aniya sa akin na hindi ko alam kung bakit niya sinabi.
Tinignan ko siya nang naka-taas ang kilay. "A-ako?" Nginiwian ko ulit siya at siya naman ang sinabihan ko ng "Ikaw rin, maganda." Ang awkward naman nito, paano out of nowhere nagsasabi siya ng ganiyan.
Yena got the looks too. A small face, cute nose and almond eyes. She got a slim body for a senior high student. I get jealous whenever someone compliments her infront of me, though I look good too, I just hate her. Naaalibadbaran lang talaga ako sa kaniya. 'Di ba gano'n naman? Kapag ayaw mo yung isang tao, kahit gaano pa kaganda 'to o kahit pa mas maganda ka, naiinis ka kapag nakikita mo? Argh. Kahit hindi siya maganda naaalibadbaran pa rin ako sa kaniya.
"Kamusta kayo ng mga ka--" I know what she meant about that so I cut her off.
Mariin akong pumikit nang hindi ko na naisalpak ang earphones sa tenga ko dahil sa kaniya.
Hinarap ko siya saglit. "My friends? we are all good. They're not really a bad influence to me. We just wanted to hang out sometimes, you know, to have fun." I smiled. Baka nabalitaan niya ang nangyari sa'kin o sa'min, alam mo naman ang chismis kapag kaibigan mo ang kasama. O baka naman napanood niya yung eskandalo ko sa Instagram?
Pumikit ako ng mariin nang maalala yung video ko. Argh, sa dami-rami ng pwedeng eskandalo na mangyari bakit 'yon pa.
"Hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin. You had a vid--"
"N-no. Uh--please, don't mention it." Umirap ako sa hangin matapos alisin ang tingin kay Yena.
Alam ng iilan na sa circle of friends namin, ako yung madaling ma-impluwensyahan lalo na nina Julia at Cara. Malay ko ba na gagawin nila ang bagay na iyon, malay ko ba na bi-video-han nila ako?
"I... ahh.. Sorry."
We just think or I think this way, bad words comes out from my mouth but that doesn't mean I'm a total bitch or a bad ass. Well, I sometimes say what I think, without thinking if I should say it.
Bumaba na kami ng bus nang huminto na ito sa harap ng school. Nagkabanggaan pa nga kaming dalawa at nang umusog siya ay nauna na akong bumaba.
Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko nang magsalita siya. "Bye," aniya sa likod ko.
Hindi ko na siya nilingon bagkus ay naglakad na ako mag-isa papunta sa room. Nag-iiba-iba kami ng upuan every grading. Third Grading na kaya mag-iiba na naman kami ng upuan ngayon.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...