Panay ang ngiti ni Kylie sa akin habang ako naman ay pangisi-ngisi lang. Hindi mo naman masisi ang babaeng ito kung bakit naging fiancé ni Trevor.
Maganda ang bilugan niyang mukha, makinis at may kaputian. Mas matangkad siya sa akin ng dalawa hanggang tatlong inches. Hindi ko alam kung dahil ba sa may suot kaming heels o mas matangkad talaga siya. Mala-model din ang hubog ng katawan, kitang-kita ito sa hapit na hapit niyang dress.
"How's your relationship with him?" Tanong niya sa akin. Nasa may barindila kami ngayon.
"Why are you asking?" Tanong ko sa kaniya.
"Am I not allowed?" Tanong niya pabalik at sumimsim sa hawak-hawak niyang baso.
Tumawa ako nang piit. Ang bang akala ng babaeng ito? "Well, you're not. But we're fine. He's taking good care of me," aniko.
Tumawa siya. Ang pagtawa niya ay parang pangprinsesa, hindi mo alam kung pabebe ba o baka ganiyan talaga siya tumawa. "Uh-huh. How well do you take care of him?" Tanong niya na para bang nanghahamon.
"As much as you do," aniko sa kaniya.
"Oh. Aren't you worried that Trevor is getting busy lately?" Nanliit ang tingin ko sa kaniya nang tanungin niya ito. Paano niya naman nalaman na nagiging busy nga si Trevor these days?
Tinignan ko siya sa ekspresyong gulat kuno. "Why would I?" Tanong ko sa kaniya
"You're really asking me that thing? Boys will be boys, Ysa. We can't deny that thing," aniya sa akin na parang sinasabi na nagchi-cheat si Trevor.
"He won't do that to me. I know Trevor very well," aniko sa kaniya.
"Really. How well?" Nagpapalakasan ba kami rito?
"Too well. Many young girls will surely fall and like him but he's only into one girl," aniko sa kaniya.
"You're too complacent, unbelievable." Pinaglalaruan niya ang baso niya habang pinagsasalitan ang tingin dito at sa akin.
"Maybe Trevor doesn't really like you at all. You know, he never did. He's just playing because your dad ask him to," aniko sa kaniya at nakuha ko nga ang ikagagalit niya.
Dahil sa inis niya ay lumapit siya ng isang hakbang sa akin at isinaboy sa mukha ko ang natitirang laman ng baso niya. Nagngangalit na siya ngayon sa galit. "He don't deserve a peasant like you!"
Nasa barindila kami kaya hindi iilan lang ang nakakita ng ginawa niya. Napalingon saglit at umiwas sabay nagbulungan.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...