Chapter 27

73 22 9
                                    

"You may now kiss the bride," ani ng pari.

Tumulo ang mga luha ko sa saya. Sobrang natutuwa ako sa nangyayari. Finally, my mom's married to the one that will love him unconditionally and will make her smitten.


Hinalikan ni mom ang pisngi ko at gano'n din ang ginawa ni Papa Romain, may mga kamag-anak din kaming nagsilapitan sa kay mom at papa kaya lumayo na muna ako saglit sa kanila.

"Congratulations!" Tili ni Julia nang makita ako. Nasa gilid niya si Cara at Ashley, si Isagani naman ay nakasunod lang sa kanila.


Niyakap ko si Julia. "Kamusta na?" Ilang taon na rin simula nung huli kaming nagkita. Hindi ako nakapagsabi sa kanila na sa France muna ako titira pansamantala.


"Ayos lang, grabe. Namiss ka namin, sobra," aniya at kumawala na sa yakap ko.

Si Ashley naman ang sumunod. "Anong sikreto mo? Bakit gumanda ka lalo?"

Tinawanan ko ang sinabi niya. "Pwedeng ako na lang sa France? Tapos ikaw na lang dito," biro niya.

All I did to France was finished my college and work, naka-isang taon din ako sa trabaho ko sa France pero napag-isipan kasi ni mom at papa na magtayo ng kumpanya sa Pilipinas kaya umuwi kami at dito na rin sila nagpakasal. 


"Baka may kaibigan o manliligaw ka na hindi mo sinagot. Ireto mo naman ako," pilyang ani Cara.

Hanggang ngayon ganiyan pa rin siya. Natutuwa ako na sa ilang taon na hindi kami nakapag-usap, hindi pa rin sila nagbabago.


Niyakap ko si Cara. "Mayroon. Kaso baka hindi mo magustuhan."


"Bakit?"


Ngumuso ako at binulungan siya. "Jutay."


Tinawanan niya ako at akmang sasabihin kong ma-upo na sila nang inunahan nila ako kaya ngayon ay si Isagani lang ang nasa harapan ko.


"Kamusta?" Tanong niya sa akin. Nandito kami ngayon sa labas ng Glass Garden kung saan naganap ang reception.

"Ayos lang. Masaya naman," aniko.


"Gumanda ka at tumangkad."


Tinanguan ko siya at sinabing "Thank you."


"Akala ko hindi ka na babalik dito?"


Nagkibit-balikat ako. "Akala ko rin hindi na." Sabi ko no'n sa kaniya ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas, never in my life. "Napilit ako ni mom at papa Romain." Nginitian ko siya na nakatingin lang sa akin.

"How's your feeling? After how many years, may nagbago ba?" Tanong niya, he's referring to the death of my dad.

"Yup. I'd finally moved on. Move on from the death and move on from the person." Aaminin ko, matapos yung nangyari kay dad, pinagkanulo ko yung lalaking 'yon. Napapatanong din ako kung bakit hindi na lang siya yung namatay.


Pinagsiklop niya ang kamay niya. "That's good. That's good." Tumangu-tango siya.


"How about you?" Tanong ko sa kaniya. "Kamusta ka na?"

Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon