Chapter 11

105 67 34
                                    

"Ysa, kumain ka muna bago ka pumasok," ani sakin ni mommy na nasa hapagkainan na at kumakain. I saw how big her smile is. Nakakaguilty naman kung hindi ko sasabihin kay mommy kung anong nakita ko kagabi, huwag ko na lang sabihin para hindi maalis yung ngiti na mayroon siya.

Nagkaayos din naman kami ni mom matapos nung mangyari sa hapag, marupok ang puso ko pagdating kay mom kaya hindi ko kayang magtanim ng galit sa kaniya.


Umiling ako at nilapitan siya, hinalikan ko ang pisngi niya bago tumakbo palabas. "No need mom, I'm going! Bye! You take care!" I said while smiling at her at umalis na.

Male-late na rin kasi ako kaya hindi na ako kumain. Nalate na kasi ako ng uwi kahapon dahil sa booth kaya late na rin ako nakatulog.


Sana highest kami this time. Finger crossed. Good thing at hindi ko na kailangan maghintay dahil may bus na agad na naghihintay sa tapat ng waiting shed.


Naglakad na'ko pataas, nakakapagod lakarin 'tong school sa lawak, jusme. Manas ka na bago ka pa makarating sa pupuntahan mo. Bakit ba ayaw nilang magpapasok ng jeep dito sa school? O kahit school jeep lang, exclusive for us ganern.


Nakarating na rin sa wakas at huminto ako saglit bago pa man makapasok, mukhang may teacher na, ang tahimik nila eh. Sumilip ako sa pintuan kung nasaan ang students entrance at meron na nga. Ano ba 'yan, hindi na nga ako kumain eh.

"Morning," aniko sa lahat at naglakad na papunta sa pwesto ko. Hindi ko sila tinignan kahit si Marco na nasa harapan. Himala, wala si Trevor. Absent kaya siya? O late lang din? Simula nung nag-usap kami ng foundation hanggang kahapon hindi pa rin kami nag-uusap.



"Ms. Laurent, why are you late?" Tanong ni Marco sa harapan and as usual, nakasandal sa lamesa habang naka crossed arm.

Tumayo ako at kita ko ang tinginan ng mga kaklase ko sa akin. Ang iba ay nakakunot, nakasimangot at iilan ang walang may pake

"S-sir napuyat po ako--" hindi na niya ako pinatapos.


Nginitian niya ako habang nakataas ang mga kilay mula sa seryosong aura ay napalitan ito ng maamo. "I know, late ka ng nakauwi kagabi 'di ba? Okay, you may now sit, Laurent," aniya.


"I'm sorry, I'm late," ani ng tao sa may pintuan bago pa ako maka-upo.


Nilingon ko ang pintuan at guess who? late si Trevor. Naglakad siya papunta sa tabi ko, maganda ang pustura niya, sa lakad niya ay parang wala siyang pakielam kung late ba siya o hindi.


Umubo muna si Marco bago magsalita. "May Goodnews ako," uh-huh finger crossed. "Highest tayo sa booth!" Nagsitilian yung mga babae habang pumapalakpak naman ang iba.

Siniko ko yung katabi ko na mukhang hindi masaya. Yes, alam ko na may hindi magandang nangyari noong nakaraan pero isinawalang bahala ko na 'yon. Kasalanan ko naman yung nangyari dahil pinaandar ko ang nararamdaman ko at binigyang kahulugan yung mga bagay na ginawa niya.


"Hoy, bakit hindi ka masaya?" Tanong ko sa kaniya.

"Don't mind me," ngiti niya sa'kin.


Nginitian ko siya pabalik. "Okay," bulong ko.



"Since tatlong araw na lang ay sembreak na at pagkatapos ng sembreak ay pupunuin ko kayo ng activities. Magsasaya muna tayo bago ko kayo pahirapan. Okay ba 'yon? Itong fund na nakuha natin galing sa principal ay ilalaan natin for foods. Kaniya-kaniya tayong entrance ahh," aniya na ikinatuwa ng lahat.


Nagreact naman agad ang mga kumag
"Hala, sir akala ko naman libre mo na."

"Sir! Libre mo na kami entrance!"


Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon