Chapter 37

52 14 6
                                    

Damn it. Wala na akong kawala sa mga shareholders ngayon. Hindi na nila ako kaya pang pagbigyan ng pagkakataon.



Umiiling ako habang nag-iisip ng puwedeng solusyon kung hindi man magtagpo ang landas ni Trevor at ng mga shareholders ko.



"They will be here after 15 minutes, ma'am." Tinanguan ko ang secretary ko at pinalabas na.



Magna-9:30 na at wala pa rin si Trevor. Ugh, please, sana makapunta ka na ngayon. Dinudutdot ko ang cellphone ko habang binabanggit ang pangalan niya.


Tamad pa rin akong naka-upo sa swivel chair ko. Stress ako ngayon dahil sa nangyayari, yes, sinasabi ko na kaya kong isalba ang kumpanya ko nang mag-isa, pero ngayon, mukhang hindi na.



Huminto ako sa ginagawa ko nang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Damn it.



"Ysa," ani Trevor.


Thank you, Lord. Pumasok si Trevor habang inaayos ang suit niya. Puti ang polo niya sa loob habang royal blue naman ang suit niya. Damn it, mukha siyang matalinong manggagantso. Kung paano niya inayos ang buhok niya hanggang sa sapatos niya, ang dominante niyang tignan, yung tipong hindi pa nagsasalita alam mo na agad na mapapasunod ka niya.



Umiling ako sa mga iniisip ko at tumayo para batiin siya. "Trevor, glad you're here." Tunog kinakabahan at stress ang boses ko.


Nginitian niya ako habang naglalakad papunta sa pwesto ko. "Where are the shareholders?" Tanong nito, handang-handa na naharapin ang mga shareholders ko.



Ang mga kamay ko ay pinirmi ko sa harapan ko. "Well, uhh--papunta na sila, after 10 minutes, maybe?"



"Ang naisip ko, why not ngayon mo na simulan? Be the CEO, Trevor, handle everything, I trust you," aniko sa kaniya at lumabas na sa mesa ko.



Kumunot ang noo niya. "A-are you sure? Hindi ba magu-usap pa tay--"



"Hindi na, Trevor. Ilang minutes na lang nandito na ang mga shareholders ko, alam kong kaya mo silang makumbinsi." Totoo namang makukumbinsi niya ang mga shareholders ko. Trevor is one of the richest CEO in the world.



Inikutan niya ako at umupo sa upuan ng CEO. "S-sure, Ysa."



Inirapan ko siya habang sinusundan ng tingin. Ang yabang ng ambiance niya. "Yabang," ibinulong ko na mukhang narinig niya.


"Hmm?" Inangat niya ang kilay niya sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang bewang ko at hilahin ako sa tabi niya.



"Trevor, what are you doing?" Tanong ko sa kaniya.



Tumawa siya. "Sit," aniya sa akin habang itinuturo ang lap niya.



Agad ko namang inalis ang kamay niya sa bewang ko at iwinaksi ito. Pinanliitan ko siya ng mata at sinabing " Hindi ka lang mayabang, makapal din mukh--"


"Alessan--"



"Mr. Foster?"



Hindi natuloy nang isa sa mga shareholders ang pagbanggit sa pangalan ko dahil nakita nito si Trevor na naka-upo sa swivel chair ng CEO.



Itinaob ko kaagad ang name holder ko. Tumayo naman si Trevor sa kinauupuan niya at nakipagkamayan sa mga shareholders ko. Dumeretso sila kay Trevor at hindi man lang ako binati, lahat sila ay nakamayan ni Trevor, para bang kilalang-kilala na nila ang binata, sino bang hindi makakakilala sa kaniya?


Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon