Chapter 10

117 75 70
                                    

Matapos ang tatlong araw ay foundation day na, nandito na ang mga booth na nagsisigandahan. May mga magpeperform din sa covered court, maglalaban-laban ang bawat grade level para sa cheering squad.





"Happy Foundation day, guys!" Ani Claudette sa'min. Lahat kami ay nandito sa covered court para sa booth na babantayan namin, at the same time, si Trevor ay nakabantay din sa akin. Hindi siya umaalis sa gilid ko, nakabuntot lang.




Pagkatapos namang magawa ng booth, nagsialisan na yung mga kaklase kong 'di naman kasama sa pagpepaint. Kami na yata mismo ang magbabantay. Nag-ikot na siguro ang iba.




"Asan yung iba?" Biglang sulpot ni Marco sa booth namin. Naka red short sleeve polo.




"Nag-ikot na po para madami tayong hakot," ani Eikhart sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi parin kami ayos ni Eikhart. Mamaya siguro ay hihingi ako ng tawad sa ginawa ko, hindi ko naman sure kung gawa ko ba talaga 'yon o dahil kay Yena.



Bet siguro ni Eikhart si Yena kaya gano'n siya.



"Ang ganda ng booth natin!" Tili ni Claudette. Napangiti niya ako sa sinabi niya. Totoo nga na ang ganda ng booth namin. Napaka Artistic. Sinabit kasi yung ginawa namin sa lahat ng gilid. Buti na lang talaga nasolusyonan yung nagawa ko.



"Ang galing naman nating mag paint!" Tili niya ulit. "Good thing, hindi naging dahilan yung nagawa ni Ysa para maging fail 'to" aniya at tinignan niya ako na para bang kasalanan ko at wala akong magandang nagawa sa booth namin. Ako nga ang nagbigay ng fund para sa mga paints na naubos.



Tumungo na lang ako "Hayaan mo 'yang si Claudette, Ysa. Wala namang ginawa 'yan," Bulong ni Lily na nasa harapan ko. Tinapik-tapik niya pa ang balikat ko bago siya umalis.



Lumabas muna ako ng booth. Gusto ko lang magpahangin muna kahit sandali. Sinundan ako ng nasa likod ko, si Trevor. "Where are you going?" Tanong nito sa akin.



"Magpapahangin." At naglakad papalapit sa bench.




"Wait for me," aniya at umalis na. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.




Nilibot ko lang sandali ang tingin ko. Ang gaganda ng mga nakahilerang booth, ang dami na ring tao na naglalakad-lakad, panigurado naghahanap ng magagandang booth.




Tumungo ako para makapag-isip isip, ano ba talagang gagawin ko? Hays. Hirap naman. "Have some,"ani ng nasa harapan ko. Tinignan ko siya mula paa pataas. May hawak siyang coke at brownies.



"Para saan 'to?" Tanong ko sa kaniya.



Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kaliwang braso sa likod ng inuupuan ko.



Tinaas niya ang kanang kamay niya na may hawak ng coke in can at brownies. "You want?" Sabay abot niya sa'kin.



Umiling ako. "Ayaw ko." Nawawalan ako ng gana. Naiisip ko nalang mas kailangan ko ng pahinga ng utak kesa laman sa tyan.



Hindi ko naman mapigilan ang pag-iisip sa sitwasyon ko at ng tatay ko ngayon, pati na rin ang palaging paglapit ni Yena kay Trevor noong mga nakalipas na araw kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong pinag-usapan nila.



Inilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya umurong ako nang kaunti. "Ayaw mo talaga?" Tanong niya.



Nginitian ko siya nang tipid. "Ayaw ko talaga," ani ko sa kaniya.



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon