Chapter 12

101 59 33
                                    

💌Ang ikli lang ng chapter na'to pero AaaaAaaAaaaaA Who's your bet? MarcoxYsa or TrevorxYsa

Nagtaxi ako hanggang sa may bukana ng village namin. Fresh air is what I needed kaya hindi na muna ako umuwi bagkus ay naglakad-lakad pa ako.



Trees were bushy, blooming and some were damaged, though damaged maganda pa rin ito. Every damaged thing is really cool because they can stand alone knowing there are damages and can still look beautiful. Kung tao lang itong puno na ito, paniguradong nasaktan nang sobra ang isang ito, scars can be seen on its body, ugh, human, mother earth would be so angry, knowing these things.



Habang nagtitingin-tingin dito sa gilid, napataas ako ng kilay at napangiti. Gabi na at hindi na gano'n ka-safe maglakad sa labas pero sa tingin ko naman ay walang nangunguha ng babae rito at isasakay sa loob ng kotse except---

[/peep!

At inulit niya ito ng mga tatlong beses kaya nairita ako at lumapit na sa kotseng nasa likod ko.


Hinampas ko yung kotse ng dalawang beses hanggang sa hindi lumalabas yung driver. Wala akong pake kung madami sila, basta ang importante, ang lawak-lawak doon sa kabilang gilid bakit binubusinahan ako.


"Ms.--Ysa?" Sa wakas at nakalabas na rin--



"Marco?" Gulat akong tinignan siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at binalik sa akin ang tingin. Itinagilid niya ang ulo niya at umiling.

Dali dali niyang hinubad ang coat niya at naistatwa ako sa ginawa niya dahil ipinatong niya ito sa akin. Naka-tshirt ako at denim skirt, pakiramdam niya siguro ay nilalamig ako.


Masyadong manly ang amoy ng coat na ito at paniguradong kakapit ang amoy nito sa aking katawan dahil sa tapang. Mabango ito at kahit singhot-singhutin ko, hindi nakakasawa ang amoy.



"S-salamat," ani ko nang makabalik sa wisyo.



Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya na nasa harapan ko at inalalayan akong pumasok. Gulat ako sa ginawa niya, hindi man lang siya nagtanong kung gusto ko bang sumakay o kaya ay kung pwedeng ihatid niya ako sa amin. Ni hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.



Umupo ako nang maayos sa passenger's seat at siya naman ay umikot para maka-upo sa driver's seat.



"Salamat," ani ko habang nakayuko at pinatong ang dalawang kamay ko sa lap ko.

Pinaandar na niya ang kotse habang ako ay tahimik pa rin sa tabi.



"What are you doing there, Ysa? Bakit mag-isa ka?" Tumingin siya sa akin at ibinalik sa daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta kung saan niya ako dalhin, doon na lang. Wala naman siguro sa bokabularyo niya ang pangngingidnap.



"Kakauwi ko lang galing sa trabaho, naisipan kong magpahangin," aniko sa kaniya na tinango-tanguan naman niya.



"Nagtatrabaho ka?" Tanong niya.


Tinignan ko siya na deretsong nakatingin sa daan. "Oo, eh."



"Ahh, good for you," aniya sa akin. Tinanguan ko lang siya at hindi na ulit nagsalita pa.


Nakaramdam ako ng awkwardness kaya sinubukan kong magtanong sa kaniya. "S-saan tayo pupunta?"


"Cloud 9," aniya. Cloud 9? Teka, anong oras na, paniguradong matatagalan kaming dalawa at baka kung anong oras na maka-alis. 



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon