Sinundo ako ni Trevor. Ang aga niyang pumunta kaya naghintay pa siya sa akin ng ilang minuto.
"May load ka ba?" Tanong ko kay Trevor.
Tinanguan niya ako at binigay ang cellphone niya sa'kin. "I have."
Bakit ko pa ba siya tinanong kung may laod siya? Imposible namang mawalan ang isang 'to.
Tinawagan ko ang iba't-ibang restaurant na pwedeng magpadeliver ng pagkain para mamayang lunch, magpapakain ako sa floor namin. Mga executives at mga nasa labas lang naman ng opisina namin ni Trevor. Tatanungin ko pa si Alexander at Emily kung free ba sila mamayang gabi, magpa-pub sana kami.
"Good bye," aniya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
Nginitian ko naman si Trevor at sinakbit na ang bag sa balikat ko. "I love you, tawagan na lang kita para sa meeting mo, ha."
He sighed, sounds tired but I know he's just faking it. He doesn't really want to go to every scheduled meeting because according to him, he wants to focus on Saint Martin's Handbags. Company ko raw muna bago yung mga ka-meeting niya, hindi niya ba alam na kung uunahan niya ang kumpanya ko may posibilidad na may mangyari sa kumpanya niya na hindi niya ikakatuwa?
"Come on, Trevor." Inirapan ko siya. "27 ka na pero ganiyan ka pa rin," ani ko sa kaniya.
Agad din naman niyang inayos ang sarili niya at tumango-tango. "Okay, call me na lang."
"Okay," aniko bago pa makababa ng kotse.
"I love you, baby."
"I love you more."
"Excuse me, Mr. Dubois, Mr. Leroy and Mr. Bertrand will be here at 11:15 in the morning, can you please say that they can now proceed to 43rd floor for the meeting. Thank you," aniko sa receptionist bago magpatuloy sa taas.
"Totoo bang aalis ka na?" Tanong sa akin ni Emily.
Nagtitipa ako sa laptop ko habang siya naman ay naka-upo sa harapan. "Oo, kailangan ko nang bumalik, eh."
Nginusuan niya ako. "Sayang talaga."
"Pwede ba kayo ni Alexander mamaya?--" Mga anong oras kaya? "After dinner?"
Ang malungkot niyang mukha ay nagbago bigla. Alam niya siguro kung bakit after dinner ko sila inaya. "Ako, pwede."
"Si Alexander?"
Nagkibit-balikat si Emily. "Hindi ako sure. Pero tanungin ko siya mamaya."
"May ginagawa pa ba siya?"
"Oo, maraming ginagawa 'yon. Nage-encode pati." Tinangu-tanguan ko si Emily.
Ilang saglit din ang nakalipas nang lumabas na si Emily sa opisina. Ilang oras na rin akong naka-upo rito at nagtitipa para sa email na ise-send ko sa iba't-ibang kumpanya.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...