Nag-ayos ako ng mga gamit at damit na susuotin ko para mamaya. Katulad ng napag-usapan, kapag nanalo ang booth namin, magsu-swimming kami.
Hinanda ko na yung bag na gagamitin ko, isang shoulder bag at sling bag na chanel ang bibitbitin ko mamaya.
"Maganda ba 'to?" Ipinakita ko sa camera ng laptop ko yung susuotin kong swimsuit, criss cross ito na kulay asul.
Nagthumbs-up sa screen si Cara. "Maganda 'yan, 'yan na lang suotin mo."
"Mas bet ko 'yan kumpara sa itim," ani Julia. Pinakita ko kanina sa kanila yung itim na swimwear ko, balot na balot 'yon sa katawan at kung iisipin, gabi na nga yung swimming tapos magbabalot pa.
Tinanguan ko sila at nagthumbs up din sa screen. "Okay," ani ko.
May ilang damit pa akong ipinakita sa kanilang tatlo, hinayaan ko na sila ang magsabi kung maganda at bagay ba 'yon sa akin. Naka-ilang pakita rin ako ng damit, sa wakas ay natapos na.
Bumaba ako para uminom ng tubig at kumain. Sa pagbaba ko, si mom ang nakasalubong ko.
"Ysa, bakit nandito ka? Wala kang pasok?" Tanong sa'kin ni Mom na mukhang kararating lang. May bitbit siyang tatlong eco bag na panigurado ay puno ng groceries, sa likod naman niya ay nakasunod si Ate Thelma, ang aming over-all kasambahay na may bitbit ng isang box.
Lumapit ako kay mom at kinuha yung dalawang eco bag. Ang bigat pala nito. "Mom, sembreak ngayon. Sa susunod na linggo pa ang balik namin. Wala kang trabaho, Mom?" Tanong ko pabalik. May kumpanya si dad pero hindi ito gano'n kalaki, si Mom naman ay secretary ni dad.
"Wala. Your dad had a business trip for 3 days, he told me not to come," sagot ni mom.
Tinangu-tanguan ko na lang siya habang inilalabas na yung mga pinamili nila sa counter bar.
"Day-off ko, malling tayo later?" Tanong niya sa'kin.
Napangiti ako ro'n pero agad din namang nabura. "Mom, I can't go with you. Remember, may overnight kami, susunduin ako ng van na sasakyan namin dito sa bahay," ani ko.
"What time?" Tanong niya habang nilalagay yung mga canned goods sa loob ng cabinet.
"3, mom," ani ko.
"Alright, next time na lang. Pag-uwi mo?"
Tinanguan ko siya. "Sure, mom."
Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa gilid ng couch. Sino naman itong tatawag?
Marco's calling...
Napakunot noo ako. "Bakit 'to tumatawag?" Tanong ko sa sarili ko.
"Hello? Marco?"
"Goodmorning, Ysa, how's your day?""Fine. Napatawag ka?" Umupo muna ako sa coach habang kausap si Marco.
"Hindi mo ba muna tatanungin kung kumusta araw ko?"
Narinig ko ang pabirong tono niya kaya natawa ako. "Kamus--"
"Biro lang. Excited ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...