Chapter 35

63 15 6
                                    


"Isagani," aniko sa kabilang linya.




Kakatawag niya lang sa'kin pagka-uwi ko, sa Marco Polo ako nagstay, hotel in Ortigas. Nandito ako ngayon sa kitchen, nagpapahinga saglit dahil may meet with the sponsor na naman ako mamaya. Ugh, sana naman maayos na ang susunod.



"How are you?" Tanong niya sa akin. Pagod ang boses ni Isagani.




Tinignan ko ang orasan at c-in-onvert ko ito sa oras dito sa Pilipinas. Gabi na sa kanila, siguro ay pagod ito galing sa trabaho.




"Ayos lang ako, Isagani. Ikaw?" Tanong ko rito.





"Pagod, magpapahinga na rin maya-maya. How's the company?" Tanong nito sa akin.





I sighed. Narinig niya iyon kaya inulit niya yung tanong.




"Wala pa rin akong nakukuha. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ni Trevor, halos araw-araw siya lang ang nakikita ko," aniko sa kabilang linya.




"What? Trevor?" Tanong nito.




"I'm sorry, I forgot to tell you. Yup, Trevor Foster," aniko at pumangalumbaba sa mesa.




Narinig ko ang pagmumura niya sa kabilang linya. "Fucking Foster. Ano na naman ang gusto nung lalaking 'yon?" May riin at pagalit na tanong sa akin ni Isagani.




Nagkibit-balikat ako kahit hindi naman niya kita. "Ewan ko pero pinipilit niyang tutulungan niya raw ako," aniko.






"Don't let him, Ysa. I'm going to finish my work here, earlier than the expected time. I'll help you, I promise," aniya.





Ngumuso ako sa sinabi ni Isagani. Ayan na naman siya. "Isagani, No. Kung hindi ako humingi ng tulong kay Trevor, hindi rin ako hihingi ng tulong sa'yo," aniko sa kaniya.




"Kung gano'n, sinong tutulong sa'yo? Wala kang mahahanapan pa ng ibang tulong, Ysa. Your employees and shareholders will soon leave at sino ang kaagapay mo kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko?" Tanong nito habang pataas nang pataas ang tono.




Umiling ako sa sinabi niya. "I can help myself, Isagani. Kailangan ko lang talaga ng magi-sponsor, pero hindi ko alam kung makakahanap pa ako, laging si Trevor ang nakikita ko." Matigas kong ani sa kaniya.





"Kung ganoon, tutulungan kita, promise, aagahan ko ang uwi ko. I'll be home next wee--"




"No. Huwag mong madaliin ang trabaho mo diyan, hayaan mo na ako rito," aniko sa kaniya.




Kontra siya sa sinabi ko. "No. Hayaan mo ako, malapit ng matapos ang mga ginagawa ko rito."




Bumuntong-hininga ako at umirap. "Bahala na, Isagani. Basta para sa kumpanya," aniko sa kaniya.




"Basta don't take Trevor's offer, when I come home, I'll meet him. He shouldn't help you anymore, that bastard," aniya. Gasgas ang boses ni Isagani ng sabihin niya ito, mukhang kailangan na niyang matulog.




"Sige na. Matulog ka na, good night, Isagani," aniko.


"Pinopormahan ka ba ulit ni Trevor?"



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon