Chapter 46

39 10 3
                                    


Lumipas ang isang araw na hindi siya pinapansin ni Trevor. Sinasabihan lang siya nito ng mga kailangan niyang gawin at kung tatanungin ang tungkol sa babe time nila, walang ibinibigay si Trevor. Inis pa rin siya sa nangyari at gusto niyang matuto si Ysa.




"Trevor, tapos na ako," aniko sa kaniya. Gusto kong magtampo, gustong-gusto ko kaso alam kong kasalanan ko kung bakit ganiyan ang trato niya sa akin.



Prente siyang naka-upo habang nilalaro ang ballpen. Tinaasan niya ako nang tingin at itinuro ang mesa bilang hudyat na roon ko ilalagay ang papel na hawak ko.



Hindi man lang niya sinubukang buksan ang bibig niya para magsalita.



Tumalikod na ako nang mailagay ko na sa mesa niya at bumalik na sa pwesto ko.



Naglaptop ako at naglaro na lang dahil wala naman na akong gagawin. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag-angat ng tingin ni Trevor sa akin minu-minuto.



Inangatan ko siya ng tingin at iniwas niya ito. Dalhan ko kaya siya ng kape? Gusto niya kaya?




Lumabas ako saglit para magkanaw ng kape. Binilisan ko lang at pumasok na rin agad.



Naglakad ako papunta sa gilid niya at hindi naman niya ako inangatan ng tingin.



"Baby," ani ko sa kaniya.



Tinaasan niya ako ng kilay. "What?"




"Coffee," aniko at inilapag ang hawak kong kape sa mesa niya.




"Thanks."




Wala na. Ayon lang 'yon. Hindi na niya ako pinansin. Ugh, kainis naman.





"May iuutos ka ba?" Tanong ko sa kaniya.




Inilingan niya lang ako.




"Are you sure?"




Tinaasan niya ako ng tingin na para bang sinasabi na wala na nga bakit pa ako nagtatanong kaya ibinaba ko na lang ang tingin ko at naglakad na paalis.




Ilang minuto makalipas, tumayo na siya at mukhang pupunta na sa Saint Martin's. Tinignan ko yung baso na binigay ko sa kaniya. Hindi ito naalis sa pwesto nito. Mukhang hindi niya ginalaw.




Napanguso ako. "Yung coffee?" Aniko bago pa siya makalabas.




"Drink it if you want." At lumabas na nga siya nang tuluyan.




Ano pa bang gagawin ko? Edi itatapon yung kape. Hindi naman ako mahilig doon. Nasayang lang effort ko. Sana pala hindi na lang ako nagkanaw. 




"Ysa, ito pa. Madadagdagan pa 'yan mamaya. Naipon kasi yung mga gawain dahil madalas si Trevor sa Saint Martin's," ani Alexander.




Kasunod niya si Emily na may dala ring bultahe ng papel.




"Tawagan mo 'yang mga 'yan," ani Alexander at lumabas na kasama si Emily.




Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon