Chapter 16

103 55 33
                                    

Third person's POV

Nang makaalis si Ysa ay nakatunganga lang ang iilan sa kanila. Gulat sa nangyaring alitan. Ilang saglit lang naman bumalik din naman si Yena.


"K-kasalanan ko yata kung bakit biglang nagganon si Ysa," ani Yena na ngayon ay pinupunasan ang luha sa kaniyang mata. Inalo naman siya ng katabi niya.


"Hinde, Yena. Si Ysa ang may kasalanan! Bigla-biglang nagkakaganon! Parang--" Sigaw ni Max na mukhang badmood na badmood kay Ysa kanina pa.



"Max, Stop!" Sigaw ni Trevor. Tumayo si Trevor sa upuan niya dahil sa lakas niya ay natumba ang inuupuan. "Will you fcking stop? You're damn annoying mo!" Sigaw ni Trevor sa kaniya na ikina-trigger ni Max.




Napatayo si Max at napahampas sa lamesa habang nakatingin kay Trevor. May iilang mga baso na nahulog at natapon. Dinuro nito si Trevor habang kitang-kita na nanggagalaiti siya dahil sa ugat niya na lumalabas-labas na.



"Bakit Trevor? May gusto ka doon noh?" tanong ni Max kay Trevor.



Napatayo si Marco na handa ng pumigil sa away ng dalawa, natural lang dahil senior siya at siya ang may responsibilidad sa mga kasama niya.




Nginisian lang ni Trevor si Max. Si Yena at yung mga babae naman ay naghihintay ng isasagot ni Trevor.



"Anong pakielam mo?" Tanong ni Trevor ng may angas habang madilim na tinitignan si Max.



Tumawa si Max. "Ang dami-daming babae sa mundo. Patawa ka naman masyado. Baba ng standards m--" hindi pa natatapos ni Max ang sasabihin niya ng abutin at sapakin siya ni Trevor sa panga na ikinaupo niya sa buhangin.



Nagsigawan ang mga babae sa nangyari, samantalang si Eikhart at Reese ay pinipigilan si Max na umaamba pa habang patayo. Si Marco naman ay nasa tabi ni Trevor.


"Kalma, Trevor," ani Marco kay Trevor.



Biglang umalis si Trevor. Katulad ni Ysa, doon din ang punta niya sa may dagat. Hinayaan niya na lang ang naiwan na mga kasama.



Itinayo ni Marco si Max. "Bwiset talaga 'yang si Trevor," ani Max habang hawak ang panga na sumasakit dahil sa ginawa ni Trevor.



Lumapit sa kaniya si Yena na may dala-dalang yelo. Ibinigay ni Yena ang yelo na hawak niya kay Max. "Try mong ilagay sa bandang panga mo, para mawala ang pagiging bumpy at pamumula na rin," ani Yena at tipid na nginitian si Max.


Nagulat si Max sa ginawa ni Yena, nakatunganga lang siya. Iniisip niya na may pakeelam talaga sa kaniya si Yena. Iniisip din na baka gusto siya ng dalaga kahit hindi naman talaga.





Tumayo na si Max kasama si Yena at umupo sila sa bandang gilid.




"Magligpit na tayo, dito yung mga basura niyo ahh," ani Marco habang hawak ang trash bag.



Lumapit si Ava at Lily kay Marco na mukhang may sasabihin sa senior nila. "Senior, susubukan lang po namin na sundan si Ysa ahh. Baka kasi may nangyayari na sa kaniya," ani Ava kay Marco.



Nanlaki ang mga mata ni Marco sa sinabi ng dalaga. "A-ako nalang susunod kay Ysa," ani nito sa dalawa.



Umiling si Lily. "Kami na, madami ka pa ginagawa eh," ani Lily.

Umiling si Marco. "Hinde, wala na akong ginagawa--"



Nginitian siya ni Lily. "Kami nalang," ani neto at hinila na si Ava.



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon