"Ang ganda mo," aniya na tila ba manghang-mangha sa akin.
Tumungo ako nang mapansing tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako sumagot, kunyari na lang hindi ko siya narinig.
"Ysa."
"Yes?" Ini-angat ko ang tingin ko sa kaniya habang ang kamay niya ay nakahawak sa likod ko, iminumwestra ako sa passenger's seat.
"Wala." Nangiti ako sa sagot niya. Sus, wala raw pero ang sabi sa akin ay ang ganda ko.
"By the way, saan tayo bibili?" tanong niya sa 'kin. Sinisilip niya ako habang patuloy na nagda-drive.
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko sa'yo," sagot ko at lumingon na sa gilid para panoorin ang nadadaanan namin.
Tumawa lang siya sa sagot ko. "Seriously? Mega Mall na lang, okay lang ba sa'yo 'yon? I'll drive you home naman," aniya sa 'kin.
Pati yung pagsasalita niya para kang dinadala sa langit, ang hoarsey pero kalmado, pero shit. Bakit ba ganito ako mag-isip. "O-okay. I'm fine with that--" bago pa niya maituloy, sinundan ko na agad ng tanong.
"Paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?" tanong ko sa kaniya.
"You know--"
Anong you know? "Hoy! Stalker ka?" Binalingan ko siya na ngayon ay nangingisi sa tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya. Ang sexy ng tawa, parang hindi tao, parang Greek God. Charot kala mo nakarinig na ng tawa ng greek god eh 'no. "What? I'm not a stalker, Ysa. I'm a friend, so definitely, It's my obligation to know your house." Friend? So, kaibigan niya ako? Kaya ba ganito siya sa akin?
Tiningnan ko siya nang nanliliit ang mga mata. "Kaibigan? Okay ka lang?"
"Ano ka ba, magkaibigan tayo. Simula no'ng nagkita tayo sa pub, kaibigan na kita." In-open na naman yung sa pub. Kahihiyan ko 'yun eh.
Kinunotan ko siya ng noo. Marahan siyang lumalapit habang nakatingin sa akin. "B-bakit? A-anong gagawin mo?" Kuryoso kong tanong sa kaniya.
"Seatbelt, Ysa," aniya at ngumisi.
Inirapan ko siya, umiwas ako at marahan siyang itinulak dahil baka marinig niya ang pagkabog ng dibdib ko. "Pwede ba, 'wag mo na ngang i-open yung sa pub. Dare lang 'yon," ani ko sa kaniya, pag-iiba na rin ng topic.
Hindi ko napansin na inihinto niya pala saglit ang kotse. Ang isang 'to, akala ko ay marangal na driver, kapag may may checkpoint lang din pala nagsi-seatbelt.
Umiling siya. "Even if it's just a dare, I still like our conversation that night--" hindi ko na siya pinatuloy sa sinasabi niya. Sabi kong ayaw kong naririnig ang tungkol sa pub na 'yon.
"Stop. I don't want to hear that thing." Wala naman akong karapatang magalit sa kaniya pero kasi paulit-ulit na siya. "I just don't like that topic." Nginitian ko siya.
"I'm sorry. I just really love--"
I cutted his words and say "Thank you." Para matahimik na siya.
"We're here," aniya at inikot ang sasakyan niya upang i-park sa harapan ng mall.
Bago pa ako makababa, umikot siya sa side ko at binuksan ang kotse niya.
"Thank you."
"Kakain ba tayo?" tanong niya sa 'kin.
Kain agad? Hindi naman siya gutom? "Mamaya na siguro." Tinawanan ko siya. "Nakakatawa ka ha, kakarating pa lang natin gutom ka na," aniko.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...