Chapter 3

309 146 330
                                    

Sumilip ako sa loob ng room namin at kay Yena agad bumagsak ang tingin ko. Nakita kong iniwas niya ang tingin niya, siguro ay kanina niya pa kami pinapanood ni Isagani.



Pagod akong pumasok ng room. Grabe, nakakapagod kasi maglakad, nakakaubos ng pasensya. 



Nang makitang kakaunti pa lang ang nasa loob ng room, tinignan ko ang wrist watch ko, maaga pa pala. Good thing hindi ako na-late.



Umupo na ako sa upuan ko. Naglaro ako saglit. Nakakaburyo dahil wala rin naman kaming homework sa mga nauna naming subject kaya wala akong ibang magagawa--




Napatalon ako sa upuan ko nang may nagsalita sa harapan. Inangat ko ang tingin ko. "Okay class!" sigaw niya.



Ibinaba ko naman agad ang cellphone ko dahil baka makita ng teacher sa harap.


Hindi naman kami nag-iingay kailangan talaga sumigaw? Hindi ko siya pinansin instead kinuha ko yung notebook ko sa arts kung nasaan yung mga sketch ko at ini-sketch ko na lang mga gusto kong i-sketch.


Passion, mahilig akong magdrawing pero mostly, mga bags ang dino-drawing ko.



" Today, we have our transferee. He's from Enderun College." Blah blah blah.



Inangat ko tingin ko at pinilit na makinig sa kaniya since hindi naman tungkol sa buhay niya yung sinasabi niya duuh wala naman siyang naituro bukod sa pagkwento niya sa buhay niya, simula pagkabata hanggang pagtanda nakwento na niya yata.


May transferee, lalaki, kung kailan mag third quarter at saka pa nag-transfer, patawa naman 'to.


Naka-brush up siy--- teka.

"Magandang araw sa inyong lahat. I'm Trevor Allistair Foster, 19. Nice to meet you all." Napatingin ako sa mukha niya at napapikit.

Siya yung hinarot ko sa pub! Ang pangalan niya ay Trevor at hindi Pablo. Gusto ko pang tignan ang mukha niya mula rito sa likod pero hindi ko na ginawa.


"Okay, guys. Please be good," ani ng teacher sa'min. Nagsitilian naman ang mga babae, porket gwapo.


"Sit beside Ms. Laurent." Huh? Sit beside me? Tama ba yung narinig ko?


Napanganga ako nang marinig kong sa tabi ko uupo. Gusto kong mapag-isa kaninang pagpasok ko, kung alam ko lang na may transferee pala, at kung alam ko lang na siya edi sana sa iba na lang ako umupo.



"Ms. Laurent, raise your hand!" ani ng treacher.


"M-maam?" tanong ko habang nakaupo.


"Raise your hand!" sigaw niya. Itinaas ko nang dahan-dahan ang kamay ko habang nakayuko. "There! Sit beside her." Tinuro niya ang katabing upuan ko. "Be good, Ms. Laurent," aniya at tinignan ako nang masama.

Tumayo ako para sumagot "Y-yes, maam," nauutal kong sagot. Umupo na ako bago pa makapunta si Trevor sa tabi ko.



Nakatingin lang ako sa bintana habang nilalaro ang lapis ko. Baka pag nakita ako nito may maalala 'to na kung ano-ano.



"Hi ms?" tawag niya. Hindi ko alam kung sino tinatawag niya, baka mapahiya ako pag nilingon ko kaya hindi ko na lang pinansin. "Ms," tawag niya ulit.



Napatalon ako nang may kumalabit sa balikat ko kaya napatingin ako sa kabilang side kung saan siya nakaupo at nakitang nakatingin siya sa akin. Yumuko agad ako. "Ms. I'm Trevor, you are?" nakangiti niyang saad.



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon