Naglakad ako papuntang waiting shed habang ang mga mata ay medyo namumula at ang talukap ay medyo lumolobo. Mukha akong maysakit dahil sa nangyari kagabi. Wala akong ginawa kun'di umiyak sa kwarto kaya ayon, nakatulog ako kakaiyak.
Ilang minuto na naman ako nakatayo rito sa waiting shed, naghihintay ng bus na dadaan at hindi ko alam kung maghihintay pa ba ako dahil kung mag-aantay pa ako nang matagal, male-late na ako. Ang init din dahil sa uniform ko, polo shirt na may tie na pinapatungan ng long dark blue blaizer.
No choice yata ako, kailangan ko na yatang maglakad. Gosh, hindi na nga mabilang ang record ko for tardiness tapos dadagdagan pa ng isa.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad kahit ngawit na ang paa ko, medyo malayo pa naman school sa bahay. Ilang minuto makalipas ay nasa bukana na ako ng Village.
Habang naglalakad at nakayuko, may humarurot na kotse ang dumaan sa gilid ko at huminto nang maabot ako nito. Napatingin ako sa kotse, kitang-kita sa labas ang gara nito, claiming its luxury. Kulay puti at ang linis tignan.
Napatingin ako sa bintana dahil unti-unti itong bumubukas, guess who?
"T-trevor?" Ani ko habang nakakunot ang mga noo. Binaba ko ng kaunti ang mukha ko para makita ko siya nang mabuti.
Tumango siya at inilapit ang mukha sa window para makita ko siya nang maayos. Ang aga-aga ang kisig niyang tignan.
"Yes. Need a ride?" tanong niya sa'kin sa tonong presko.
Inilingan ko siya, "Never in my entire life." Mamaya kung saan pa ako dalhin nito. Hindi naman siya mukhang ganoon pero hindi natin alam, looks can be deceiving.
"You sure? This is a free ride." Inirapan ko siya at bilang sagot sa irap ko, nginisian niya ako. Kung wala lang ako sa huwisyo, baka sumama na ako sa lalaking 'to.
"Arogante mo! Hindi ako sasakay riyan 'no!" Inirapan ko ulit siya. Kainis. Napaka-arogante, pakialam ko kung libre 'yon? Yabang niya.
"Come on, Ysa. I know you before I transfer, right? You are the girl that's hitting on me, why not hop in my car?" He asked me. Tumayo ako nang maayos at pumikit nang mariin, ayaw ko na ngang marinig ang bagay na 'yon.
Bakit ba tunog parang baliw na baliw ako sa kaniya at gustong-gusto ko siya? Hindi niya ba alam na hindi ko ginusto yung nangyari?
Inilabas niya ang siko niya at idinantay ito sa may pintuan. "What?" Tinaasan niya ako ng kilay habang naglalaro ang labi.
Ang epal may pa-puppy-puppy eyes pang nalalaman. Hindi ko na siya pinansin. Hahayaan ko ng maglakad ako nang mahaba kesa sumakay ako riyan 'no.
Naglalakad ako habang naiirita sa kaniya, paano ba naman! Paulit-ulit na binu-busina yung kotse niya, sinong hindi maiirita? Ang ingay.
Huminto ako at hininto niya rin ang kotse niya sa tabi ko, lumapit ako sa aroganteng 'to at hinampas ko yung salamin ng kotse niya.
Binaba niya yung salamin. "What? Ysa?" he asked me while wiggling his eyebrows teasingly.
Inirapan ko siya sabay duro sa kaniya. "Will you please stop? Stop following me! Nakakabwiset ha!" Reklamo ko sa kaniya.
"So you think, I'm following you?" He scanned my face, followed by the body. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting kiliti lalo na nang ngumisi siya pagtapos niya itong gawin.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...