Chapter 42

42 8 3
                                    


Tahimik akong naka-upo sa tabi niya sa loob ng kotse niya. Nakakainis kasi siya eh.



"Sorry na, baby," ani Trevor sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin para mahalikan ako.




Inusog ko ang mukha ko para hindi niya ako mahalikan at sinabing "Umuwi na tayo, inaantok na ako." Isinandal ko ang ulo ko sa inuupuan ko at pumikit.




Tameme naman siyang nakaupo sa gilid ko habang nagda-drive. "Okay," aniya.





Ilang minuto rin kaming hindi nag-uusap sa loob ng kotse niya. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin.





"Andito na tayo," aniya sa akin.




Noon ko lang idinilat ang mga mata ko at akmang bubuksan ang pintuan ng kotse niya nang pigilan niya ako.




"Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Hmm?" Nakanguso niyang ani.




Hindi ko siya pinansin bagkus ay hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at lumabas na nang tuluyan sa kotse niya.




Rinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kotse niya habang naglalakad ako papalayo. Sumusunod siya sa akin, rinig ko ang hakbang niya sa likod ko.




Halik ni mom at papa Romain ang sumalubong sa akin. Tinanong nila kung bakit daw nakabusangot ako, sasagutin ko pa lang sana kaso ay nagsalita na si Trevor sa likod ko. "I'm sorry, tita and tito. It's my fault po," aniya.




Umirap ako at naglakad na paakyat sa kwarto ko. Bahala siya kung sundan man niya ako edi sundan niya ako.




Binuksan ko ang kwarto ko at rinig ko ang mga yabag sa hagdanan, sigurado akong si Trevor 'to.



Saktong ila-lock ko ang pintuan nang bumukas ito. Umirap ako sa hangin samantalang siya naman ay isinara ang pinto at niyakap ako.




"I'm sorry, baby. Hindi na mauulit," aniya at hinalikan ang bunbunan ko.




"Nakakainis ka," aniko sa kaniya sa naiinis na tono. "Umalis ka na lang bigla tapos pinaghintay mo ako."




"Na-low battery rin ako, baby," aniya sa akin.




Tinanguan ko siya at sinabing, "Sige na. Umuwi ka na at magcharge ka para makita mo kung ano yung tinext ko sa'yo," aniko sa kaniya at lumayo na sa pagkakayap. Ipinatong ko ang bag ko sa upuan sa paa ng kama ko.




Lumapit siya sa akin, "I'll be staying here, hindi ako uuwi. May charger ka naman ng Iphone 'di ba? Can I borrow?" Gulat akong nakatingin sa kaniya. Anong staying here? Baliw na ba ang isang 'to? Ano namang pumasok sa isip niya at naisipan niyang magstay rito.




"Bakit ka magi-stay rito?"




"Wala lang. Gusto kita katabi matulog," aniya sa akin.




Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon