Chapter 31

55 16 3
                                    

💌Na-a-appreciate ko talaga ng bongga yung mga silent readers! Thank you so much!

Loud speakers, conspicuous lights and discordant sound echoed inside are the things that greeted us as we enter this bar, it is visible that people here are really enjoying everything they're doing. Girls with tiny dresses are laughing in the corner, seems like they're being tickled by the boys that are being playful and obviously they are enjoying it.


Boys and girls in the counter looks like they were dealing on something, serious talks and flirty little hands moving on its way.


We walked upstairs, someone bumped into me, girls rolled their eyes and boys greeted me, some wanted to know my name but all I can say is "I am not interested, sorry."


Hindi naman na bago sa'kin ang pumunta sa Bars and clubs, I was at my 17th when I first entered Bars and Clubs, yes they let me, hindi naman ganoon ka halata na 17 pa lang ako kaya hinahayaan ako and in my 18th doon na ako tuluyang sinama ng nga kaibigan ko. Drink, dares and all.


"Hey, Ysa," ani Max pagkabukas na pagkabukas pa lang ng VIP room. Malaki ang ngiti niyang lumapit sa amin ni Cara.



Gulo ang buhok niya at mukhang nakainom na rin nang marami, late nga yata kami, mukhang kumpleto na kasi sila pero hindi naman ako sure kung kami lang ba inimbita ni Max.



Rinig na rinig din ang ingay sa loob ng VIP room, hindi ito ganoon kalaki pero may bar sa gilid at hindi rin ganoon kaliit pero ang lakas um-echo ng mga boses nila. Mga ilaw na talaga na mang nagpapasikatan, madilim at itong mga ilaw lang na ito ang nagsisilbing sinag para makita ang mukha ng mga tao sa loob at ang kani-kanilang ginagawa.





"Max, Happy Birthday." At inabot sa kaniya ang dala-dala ko na may lamang Creed perfume.



Kinuha niya ito at inilapit ang mukha sa akin, idinikit niya ang pisngi sa pisngi ko at sinabing "salamat, Ysa. Tara dito, andito mga classmates natin," aniya at ipinunta kami ni Cara sa isang malaking bilog na table kung nasaan nanggagaling ang nagpapaingay na boses sa loob ng kwartong ito.


"Guys," ani Max sa isang malaking boses, para marinig ng mga kaklase namin dati na nagkukwentuhan at tila kanila ang mundo dahil hindi nila napapansin si Max.



Malalaking ngiti ang iginagawad nila sa isa't-isa, nagtatawanan sila sa kanilang pinag-uusapan, hindi pa yata lilinga sa banda namin kung hindi hahampasin ni Max ang lamesa nila para lang makakuha ng atensyon.


"Oh. Hi, Ysa," ani Elly sa akin nang may nagniningning na tingin. "Grabe, ikaw na ba 'yan?" Nanlalaking mga mata nang tanungin niya ako halata siguro ang pagbabago ko, lalo na't nagtatrabaho na ako.


Ang iba ay nakatingin din sa akin na nakatayo lang sa harapan, may bumu-bulong din pero hindi ko na lang pinapansin.


Nginitian ko si Mariana pabalik. "Ako nga." At piit akong tumawa, nahihiya rin sa puri na ibinigay niya.

Ngayon ko na lang din ulit nakita ang iilan sa kanila. Yung iba kong kaklase ay may kasmaang hindi pamilyar ang itsura, sa palagay ko ay mga kasintahan nila.

"Here, sit here," ani ng boses sa gilid na nilingon ko. Si Alex, kita ko ang pagbabago sa kaniya, kung dati ay mayroon siyang mala-badboy look, ngayon ay makikita mo siyang nagmature nang husto. He has his dirty look na nakakapagpalingon talaga kapag dumaan ka sa kaniya.



Tumango ako sa kaniya matapos siyang bigyan ng ngiti. Akma akong lalapit nang unahan ako ni Cara.



"Hi Alex, grabe, ang laki ng pinagbago mo, so, may girlfriend ka na ba? Asawa?" Tanong ni Cara na ikina-iling ni Alex.

Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon