Chapter 20

99 52 35
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang Science fest. Isang oras na lang at magsisimula na ang long test.



Matapos no'ng nangyari sa kanila ng ate niya, hindi ko na ulit pa inisip 'yon dahil pinaliwanag naman sa'kin ni Trevor kung bakit gano'n ang ate niya.



"She doesn't want going on a date, ayaw niyang magsayang ng oras kaya sabi niya sa'kin huwag ko ring sayangin ang dating stage ko."


"Sinabi niyang maraming babae ang naghihintay sa'kin dahil gusto niya, pumili ako ng babaeng pakakasalan ko na."


"Ikaw na kaya ang pakakasalan ko. Kung alam lang niya kung gaano kita kagusto."


"Galit din siya dahil hindi ako nagsabi sa kaniya. Huwag mo na masyadong isipin si ate, huhupa rin ang galit no'n."


Aaminin kong hindi ko malimutan ang sinabi ng ate niya pero wala naman akong magagawa, katulad nga ng sabi ni Trevor, hindi pa nakakapagdate ang ate niya at nagalit ito dahil hindi nagsabi si Trevor.


"Past the test papers," ani Marco sa harapan.


Saglit siyang tumingin sa pwesto ko. Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kaniya dahil nahihiya ako, hindi ko alam kung masasagutan ko ba yung mga tanong.


"Huwag mong kakalimutan yung tinuro ko sa'yo, ahh," bulong niya sa akin.


Tinanguan ko siya at sinabing "Fighting."


Nakaabot na sa akin ang Test paper. Oh shit. Tinignan ko ang katabi ko na malaki ang ngiti. Shit talaga. Kung anong naaalala ko, 'yon pa yung wala sa test paper.


Napapansin ko sa kabilang gilid ang minsang pagtingin ni Yena sa pwesto namin ni Trevor pero hinayaan ko na lang. Siguro ti-tyempo ako ng pagkakataon na maka-usap siya. Hindi naman na sila naging awkward ni Trevor, ayon nga lang hindi ko na sila nakikitang nag-uusap.


Napansin kong tapos na siya nang ilapag niya ang pencil niya sa mesa at itaob ang folder niya.


Shit, 'di ko pa nakakalahati yung tanong tapis siya tapos na? Tinry ko siyang kalabitin pero hindi ko magawa. Aish.


Natapos ang oras at nakahinga na ako nang maluwag. Salamat at tapos na.


"How's the test?" Tanong ni Trevor.


Tinanguan ko siya at ngumiwi. "Ayos lang." Kahit ang totoo ay nahirapan ako. 


"Mabuti naman kung gano'n. Sa tingin ko mataas ang average ko, pataasan tayo?"

Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon