💌This chapter is dedicated to Namjal. Thank you very much! ♥ Godbless you and your baby!
Sabay kaming nag-almusal ni mom. Ginising niya talaga ako nang maaga dahil ginawan niya ako ng paborito kong brownies.
"Anong ginawa niyong
Pagre-review?" Tanong sa akin ni mom.Tinignan ko siya na ngayon ay nakatingin din sa akin at para bang binabasa ang nasa utak ko.
"Bakit gano'n yung kinalabasan ng Long test mo?" Magkasulubong ang kilay niya habang iniinom ang kaniyang kape.
"Hindi ko po alam."
"Anong hindi alam, Ysa? Wala ka na nga sa top 30 nando'n ka pa sa 80 percent? Sigurado ka bang nagreview kayo? O baka ibang review ang ginawa niyo?" Galit si mom nang malaman niya na nasa 80 percent lang ang average ko at halos lahat ng kaklase ko ay pasok sa top 30.
Hindi ko siya tinignan bagkus ay kumain ako ng brownies.
"Sino ba yung Trevor na 'yon? At bakit ganiyan ang kinalabasan ng long test mo?"
"Kaklase ko po. Si Trevor po yung naka 98 sa'min, siya rin po yung may pinakamataas na average."
"Oh, ayon naman pala. Anong nangyari sa'yo?" Tumataas ang tono ni mom sa bawat pagtanong niya.
"Mom--"
"Si Yena pangatlo tapos ikaw tameme?" Bakit naman niya ako ikukumpara kay Yena? Magkaiba naman kami nung tao.
"Mom, nagreview naman po ako pero wala sa tinest yung nireview ko."
"Anong wala sa test yung nireview mo? Bakit yung kasama mong magreview 98 average tapos ikaw 80?"
Ngumuso ako. "Hindi na po mauulit."
"Talagang hindi, Ysa." Masama ang loob ni mom na inalis sa akin ang tingin. "Ayusin mo 'yang pag-aaral mo."
"Opo," aniko kay mom.
Tumayo siya at hinugasan na yung baso na pinag-inuman niya. "Mom," tawag ko sa kaniya.
"Anong meron kay Yena? Anong relasyon natin sa kaniya?" Tanong ko sa kaniya.
Saglit siyang huminto sa ginagawa niya at nilingon ako. "B-bakit mo tinatanong?"
"She's not the daughter of dad's mistress, right?"
Nakita ko kung paano mabalisa si mom sa ginagawa niya. Ibig sabihin, nagsinungaling nga sila sa akin. Bakit kailangan pa nilang itago sa akin ang bagay na 'to?
"She's not." Umupo ulit si mom sa harapan ko at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Yena's mom died a year ago. Malaki ang tulong sa'min ng nanay niya. Wala na rin naman siyang dad kaya napagdesisyunan namin na suportahan si Yena."
"Bakit hindi niyo sinasabi sa'kin?" Tanong ko. Napataas ang tono ko dahil hindi ako makapaniwala, hanggang kailan nila ako paniniwalain sa kasinungalingan nila?
Pinisil ni mom ang kamay ko. "Baka kasi hindi mo pa maintindihan."
"Pero mom, all grown na ako 'di ba? Anong hindi ko maiintindihan kung kaya niyo namang ipaintindi?" Umirap ako sa kawalan at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...