Chapter 41

50 9 3
                                    


Kaunting pag-aayos na lang sa papel ay matatapos na ako. Ito lang ang ginawa ko sa kalahati ng araw ko rito, kung sabagay, marami-rami rin naman kasi itong mga papel na ito.




Wala pang text si Trevor sa akin mula kanina. Siguro ay busy ang isang ito, pero kasi magu-uwian na, at balak kong kila mom umuwi. Hindi naman gano'n katagal ang byahe dahil around BGC lang naman 'tong kumpanya at sa Quezon naman ang bahay namin.




Nilinis ko na ang table ko nang natapos na ako. Kinuha na ang bag ko at saktong nakatayo ako nang makaramdam ng mga kamay na yumayakap galing sa likod ko. Nagulat ako dahil hindi ko man lang narinig na bumukas ang pintuan.




"How's my Ysa?" I can smell his breath from here.




Tinagilid ko ang ulo ko para makita si Trevor. "Akala ko hindi mo na ako maihahatid pauwi, plano ko pa lang umuwi sa bahay," aniko sa kaniya.




Humigpit ang yakap niya sa akin. Ang baba ay ipinatong sa balikat ko, alam kong mahihirapan siya dahil mas mababa ako sa kaniya. "Okay. Okay ka na ba? Ayos na ba ang mga gamit mo? Anong pinagawa nila sa'yo?" Tanong niya sa akin. Unti-unti kong naaamoy rito ang hininga niyang pinaghalong mint at alak.




Hindi pa gaanong gabi pero ang isang ito ay amoy uminom na. "Naayos ko na ang gamit ko. Pinaayos yung mga documents."




"Good, I miss you."





"I miss you too."




Iniharap niya ako sa kaniya habang hawak ang mga beywang ko. Mariin niya akong binigyan ng isang halik.




"You really are a goddess," aniya sa akin.




Nagkibit-balikat ako. "I'm not but you make me feel like one," aniko sa kaniya.




Tinawanan niya ako at niyakap nang mahigpit, saka hinalikan ang aking bunbunan. "Let's go."




Tinanguan ko siya at nagsimula na sa paglalakad. "Let's go."





Nang makababa kami sa parking lot, pinagbuksan niya ako ng sasakyan niya at sumakay na rin. Sinabi ko sa kaniya kung saan kami pupunta at pinaandar na niya ang sasakyan niya.




Makalipas ang higit kalahating minuto, nakarating na rin kami sa village. Nasa loob pa kami ng kotse at mukhang walang balak bumaba ang katabi ko.





"Let's go?"





Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Wait. I really wanted to meet your parents but I don't have the confidence enough to talk to your mom," aniya sa akin.





Tinignan ko siya sa mata at kita kong kinakabahan siya. I cupped his face and said "You don't have to. Naka-get over na si Mom and for sure, kapag nakita ka no'n masasayahan 'yon," aniko sa kaniya.




"Are you sure?"





"I am. Tara na." Bumaba na kami habang hawak-hawak ang kamay niya. 




Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon