Chapter 34

63 15 5
                                    

💌 I got to edit this Chapter! Onti na lang at matatapos na rin ang page-edit.

Iniwan ko si Trevor sa loob. Habang nagmamartsa palabas, rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko na hindi ko nilingon. Hindi ko alam kung may kailangan pa siya o wala pero kahit may kailangan pa siya, hindi ako titingin sa kaniya pabalik. Para saan pa? Hindi naman ako tanga at desperada para magmakaawa at pilitin siya na sponsor-an ang company ko.


My god, ang dami-dami pang gusto magsponsor sa company ko bakit ko sasayangin ang oras ko sa kaniya? Akala niya siguro wala na akong alam na ibang paraan, akala niya siguro last option ko na siya, hell no.


To: Marco Jayme

Marco, May ininvite ka pa ba na company bukod sa company ni Trevor?


Honestly, nahirapan akong i-type yung pangalan niya, hindi ko man lang naitanong o nalaman kung anong company ni Trevor pero wala akong pake, kahit pa yung company niya yung pinakamalaking kumpanya sa mundo, wala akong pake.

Agad namang nagreply si Marco.

From: Marco

Sorry. Hindi ka pa ba okay sa kaniya?

To: Marco

Never, Marco.

From: Marco

Akala ko ayos lang sa'yo kung si Trevor ang i-iinvite ko. Siya kasi ang demand ng iilang malalaking kumpanya sa Pilipinas. Magaling kasi si Trevor at sigurado akong kayang-kaya ka niyang tulungan. 

Really? Demand si Trevor? Kaya pala ang yabang niya.


Hindi pa ako nakakapagreply nang dugtungan niya agad ang mensahe niya sa akin.

From: Marco

Marami pa akong ininvite na company, marami ang sumang-ayon.


To: Marco

Okay, kausapin ko na lang secretary ko. Salamat ng marami, Marco.


From: Marco

Anytime, Ysa.


Bumuntong hininga ako bago pumasok sa kotse ko at bumalik na sa opisina. May isang oras pa akong natitira, pwede ko pang kausapin secretary ko tungkol sa iba pang company o kung may meeting man bukas.

Inikot ko ang swivel chair ko nang marinig kong pumihit ang door knob. Umayos ako ng upo at sumimsim sa iniinom ko.

"Yes?" Tinaasan ko ng kilay ang sekretarya ko.


Nginitian niya ako at binigyan ng folder. "Ma'am, bukas po ulit ay may meeting kayo. 10 AM po ma'am, 1 PM at 3 PM para po sa magi-sponsor sa company. May meeting po kayo sa share holders bukas pero c-in-ancel ko po, ang sabi ko ay busy ka po bukas kaya ire-reschedule daw po nila ang meeting," aniya at nginitian ako.

Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon