Chapter 19

113 56 20
                                    

💌Sino nga ba si Thalia? Uh-huh.

Third person's POV

Dali-dali ring lumabas si Trevor galing sa The Dessert Kitchen. Ilang minuto na rin ang nakalipas, sana ay maabutan niya pa si Ysa. Kumamot siya sa ulo niya dahil sa dalawang naka-usap niya, dinaldal pa kasi siya ng mga ito kaya lalong tumagal.

Paglabas niya ay may nakita siyang nakaputing hoody na naka-upo sa bench ng The Dessert Kitchen. Tumabi siya rito. "Ugh, good thing you're here, I thought you run away."

Akmang aakbayan na ni Trevor yung babae nang hindi pa dumidikit yung braso niya ay pinilipit na agad ito nung babae.

"A--Ouch. Fuck. What are you doing?" Tinaasan ni Trevor ng tingin yung babae at laglag ang panga niya ng makita kung sino ito. "T-Thalia, will you let me go?" 


Iwinaksi ni Thalia ang braso ni Trevor at umupo nang maayos. "Good thing I'm here?" Nagtataka nitong tanong.



"Bakit ka ba nandito?" Naiiritang tanong ni Trevor.


"Is that how you greet your sister?" Nakataas ang kilay na tanong ni Thalia.



Bumuga ng hangin si Trevor. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang umuwi ang ate niya. "You should stay in California. No one needs you here."


"You need me here," ani Thali kay Trevor.


"Tss. Hindi naman kita kailangan. Sino ba ang nagpa-uwi sa'yo?" Tanong ni Trevore kay Thalia. Malaki ang agwat ng taon nila pero kung kausapin ni Trevor ang ate niya ay parang wala lang sa kaniya.


"Si Dad."


Akmang tatayo na si Trevor sa bench nang hawakan ni Thalia ang kamay nito. "Saan ang punta mo?"


Umiling si Trevor nang maalala niya ulit si Ysa. "Basta," ani Trevor at inalis ang pagkakahawak ng ate niya sa kamay niya.

Inirapan siya nito at pinitik ng dalaga ang ilong niya. "Hoy, Trevor, baka nakakalimutan mong ate mo ako!" Ani Thalia.

Mukhang hindi nila alintana ang mga napapatingin sa kanila dahil tuloy lang sila sa sagutan na pasigaw.

Halata na sa lalaki ang pagkairita sa mukha niyang nakabusangot. "Ate ano ba! Aalis na nga ako! May sinusundan pa ako," ani Trevor

"Yung babaeng nakahoody na puti?"


Gulat ang binata nang sabihin ito ng ate niya. Paano kaya niyo nalaman? "Oo. Bye," ani Trevor at tuluyan na ngang umalis.

Si Thalia Avina Foster ang ate niya na mas matanda sa kaniya ng 9 years kaya ganun-ganun na lang kung makaasta. Maganda ang dalaga at kita sa hubog ng katawan nito na wala pa itong anak dahil wala pa itong nagiging asawa.

Ysa's POV

Dahan-dahan akong naglakad nang makalayo na sa The Dessert Kitchen baka sakaling maabutan pa ako ni Trevor.

Halos kalahating oras na akong naghihintay at pabalik-balik na naglalakad. Saan ba ako pupunta? Uuwi na lang ba?

"Nakakainis!" Pagpapadyak ko.


"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong sa akin ni Isagani sakay ng kaniyang sasakyan.


Nakabusangot ko siyang tinignan. "Hinihintay ko si Trevor," sigaw ko sa kaniya.


"Sakay ka na. Bilis," aniya sa akin. Naglakad-takbo ako papunta sa kotse niya at nagmadali ring pumasok dahil huminto lang naman siya kasi kulay berde ang traffic light.

Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon