"Thank you for letting me drive you home," ani sa akin ni Trevor. Pinaandar na niya ang Mercedes-benz SUV kung saan kami nakasakay.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Marco Polo 'di ba?" Nilingon niya ako.
Tinanguan ko siya at nanahimik na. Ayaw kong magsalita baka kung anong masabi ko at saka ayaw ko siyang kausapin.
"Sorry, Ysa. Ngayon ako hihingi ng tawad sa nangyari sa papa mo," aniya sa akin habang inililingon sa akin ang tingin at sa kalsada. Dito talaga kami mag-uusap tungkol sa bagay na ito?
I sighed. "I have moved on. Time is healing my pain," aniko sa kaniya at iniwas na ang tingin. Nagmasid na lang ako sa labas, maganda ang tanawin, mga punong buhay na buhay.
"Yes, maybe you just have to forgive people, I'm sorry for what I did, I'm really a fool back then, hinayaan kong mangyari 'yon sa tatay ng taong maha--" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sumabat agad ako.
Sumagot akong hindi tumitingin sa banda niya. "Trevor, Ayos lang, you're forgiven, 'wag na lang natin pag-usapan," aniko sa kaniya. Saka na siguro namin pag-usapan ang sensitibong usapin na ito.
"No, Ysa. Gusto kong mag-sorry. Gusto kong makabawi sa 'yo, Ysa. I know you suffered so much at hindi ako natuwa nang marinig ko sa'yo na hanggang ngayon, I caused you so much pain, I'm sorry," aniya sa akin. Hinanap niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Pinisil niya ito habang patuloy na nagda-drive.
Tumingin ako sa kaniya. "Trevor, yes, I suffered, sobra, Alam kong may nagawang hindi tama si dad pero kasi Trevor tatay ko pa rin 'yon at mas masakit kasi dumagdag ka pa, akala ko ikaw na yung mapagkukuhanin ko ng pagmamahal--" I inhaled, naubusan ako ng hangin sa dere-deretso kong pagsasalita. "at lakas na hindi ko mahanap sa tatay ko pero hindi, nagkamali ako, isa ka rin pala sa sisira sa 'kin. Durog na ako kay dad pa lang! tapos dinurog mo pa ulit," aniko sa kaniya, tumaas na ang boses ko pero hinang-hina pa rin ang loob ko.
Tumingin siya sa akin saglit, tinignan ang mukha ko na tila ba gustong malaman kung ayos lang ba ako dahil sa boses kong tumaas.
"I'm sorry, Ysa. Hayaan mo akong bumawi, pangako, iaangat ko ang kumpanya niyo," aniya sa akin.
Tumango ako. Umaasa ako na gagawin ito ni Trevor. Pagtitiwalaan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Ayaw ko talaga siyang kausapin tungkol sa bagay na ito pero anong magagawa ko? Siya ang nagbubukas ng pag-uusapan namin.
"Thank you so much," ani Trevor, pinisil ang kamay ko at inalis na ito. Patuloy siyang nagdrive.
Katahimikan ang bumabalot sa'ming dalawa. Paghinga lang at pag-ubo ang maririnig sa loob.
Ilang minuto makalipas ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa clutch at tinignan kung sino. Napatingin din sa cellphone ko si Trevor.
"Isagani," he mentioned.
Tumingin ako sa kaniya at sinabing "yeah."
"Isagani, napatawag ka?" Tanong ko rito.
"Well, nagising ako," ani Isagani. Ang boses niya ay basag pa, kakagising nga lang.
"Oh well--"
"How's your day?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...