Chapter 47

33 9 4
                                    


Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko, buti na lang at hindi ako naka-eye liner, kung nagkataon ay kumalat na ang make-up ko. Tinignan ko siya na para bang galit ako sa mundo. 



Mariin kong winaksi yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ikinanganga niya ang ginawa ko.




"Ano? Happy Birthday nga," aniko sa kaniya at inirapan siya. Nakakainis. 




Hinawakan niya ulit ang braso ko sa pangalawang pagkakataon at isinandal ako sa pinto nitong Comfort Room na pinasukan namin. Impit akong nasaktan sa ginawa niya.




"Anong problema mo?" Tanong niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang taas ng boses niya.




"Ikaw!"




"Ako?" Maang-maangan pa.




"Oo, ikaw!"




"Anong ginawa ko?"




Tinry ko siyang itulak ngunit hindi siya kaya ng lakas ko. "Ano ba! Lalabas na ako! Lumabas ka na rin! Makipagtawanan ka na ulit doon!"




"Nakita mo ba kami ni Kylie? Ysa, nag-uusap lang kami roo--"




"Pero para sa akin hindi lang basta usap 'yon!"




Hinawakan niya ang panga ko at pinantay ang mga tingin sa aking mata.  "Ysa. I know you're jealous but please, don't waste your time thinking about Kylie. Sinasayang mo lang oras mo."




"Twenty-five ka na, Ysa. Hindi ka na bata para magmaktol ng ganito, sana naman naiintindihan mo ako."




Kasalanan ko pa? Naiintindihan ko naman siya pero iba kasi yung dala ng pagseselos lalo na't may past relationship sila.




Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa panga ko. "Trevor--" yumuko ako at pinagpatuloy ang sinasabi ko. "Hindi mo ako pinapansin, ang ilap mo sa akin. Ni hindi ka nga makangiti tapos makikita ko nakikipagtawanan ka roon?" 




Nanlambot ang pagkakahawak niya sa panga ko at 'di nagtagal ay binaba niya rin ang kamay niya. Nag-iba ang aura niya sa sagot ko. Mariin siyang tumawa at isinandal ang noo sa noo ko. "You're jealous. You're already giving up, huh?"




Anong giving up? "Wha--"



"You should learn from your mistakes. 2 days is not enough. Kung alam mo lang kung gaano ako katakot na mawala ka sa akin," aniya habang ang hinlalaki ay mariing pinadudulas sa pisngi at panga ko.




Bumuntong-hininga ako. "I'm sorry, Trevor. Nasira ko yata ang birthday mo," aniko sa kaniya.




"Yes, tapos makikita pa kita na ganiyan ang suot mo?" Tinitigan niya ang katawan ko ng ilang segundo.





Nakatungo lang ako sa kaniya. "Nakikinig ka pa ba sa akin? Ha?" Pinipilit niyang makipag-usap sa akin ng hindi tumataas nang ang boses pero mukhang hindi niya kaya.




Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon