Sinundo ako ni Trevor sa Marco Polo at dumeretso na kami sa Foster Holdings. Formal attire ang suot ko kagaya kahapon, naglagay ako ng light make-up at kinulot ang dulo ng buhok ko.Nakasunod ako kay Trevor sa paglalakad papasok ng kumpanya. Marami ang tumitingin sa amin pero hinahayaan ko na lang, wala akong ideya kung bakit gano'n sila makatingin.
Kahit pala sa pagpasok namin sa kumpanya niya ay pinagtitinginan kami, halos lahat ay nakasubaybay sa paggalaw namin, may maririnig ka ring bulong-bulungan.
Napatingin kami sa may lobby o waiting area nang bumukas ang TV. Ang iilang may mga ginagawa ay napahinto rin. Ikinagulat ko nang makita sa screen si Trevor, pinagpipiyestahan siya ng mga interviewer.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at nginisian niya lang ako.
"K-kailan nangyari 'yan?" Tanong ko sa kaniya.
"When I was in your company," ani Trevor sa gilid ko. "Watch it." Nasa bulsa niya ang mga kamay niya ngayon habang prenteng nakatayo sa gilid ko.
"Is it true that you're the new CEO of Saint Martin Handbags?"
Kalbo ang lalaki at may suot na fancy eyeglass ang nagtanong sa kaniya nito. Ngumisi si Trevor at tumawa nang piit. Ang gwapo niya.
"Yes it is true but temporarily."
"Why? Any reasons why you agreed on becoming the temporary CEO of Saint Martin's Handbags? Para kasing imposible na tatanggapin mo pa ang kumpanya na ito dahil pabagsak naman na."
Kumunot-noo ako sa tanong. Kung sa akin siguro itatanong 'yon, naku! Baka hindi ako makapagtimpi. Grabe naman yung tanong na'yon. Ang iilang mga mata ay napunta sa akin habang nakatayo. Alam na ako ang previous CEO ng Saint Martins.
"Well, it is because of my girlfriend."
Matapos sumagot ni Trevor ay naglakad na siya papalayo sa media at iyon, namatay na ang TV. Rinig ang pag-ubo ng iilan at nagbulungan na naman.
Inakbayan ako ni Trevor. "Care to guess who's my girlfriend?" Tanong niya sa akin.
Nagpatianod ako sa kaniya nang maglakad siya. Damn it, buti hindi ako na-out of balance.
Nakakahiyang pinagtitinginan kami ng mga empleyado niya dahil sa napanood nila kanina.
Inirapan ko siya at inalis ang kamay niya na nakaakbay sa akin. "Damn you, wala akong pake kung sinong girlfriend man 'yan," aniko sa kaniya at nauna na sa paglalakad.
Nauna akong makarating sa 40th floor. Kahit pala paglabas ko ng elevator dito ay pinagtitinginan pa rin ako. Papasok na ako ng office nang lumapit sa akin si Alexander.
"Ysa," aniya.
Inangatan ko siya ng tingin. "Bakit?"
"Totoo ba 'yon?"
"A-anong totoo?" Yung nangyari kaya sa media 'yon? Iniisip din ba nito na ako yung girlfriend ni Trevor?
"Boyfriend mo si Trevor?"
Itinagilid ko ang ulo ko at pinanliitan siya ng mata. "You belie--"
"Go back to your work," ani ng boses sa likod ni Alexander.
Sabay kaming napatingin sa likod niya, it is Trevor's bass voice.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...