Chapter 25

86 32 21
                                    

💌Sorry late. Hahahaha.

Nakabusangot lang ako hanggang sa magbreak, hindi pa kasi ako nirereplyan ni Trevor eh. Kanina akala ko late lang siya, hindi pala siya pumasok. Ano na bang nangyayari?


Pumunta ako sa drinks vending machine. Naghulog ako ng bente at sampung piso para sa coke in can. Ilang minuto akong nakatitig sa vending machine dahil hindi pa lumalabas yung coke, aish. Bakit laging ako na lang nadadatnan ng pagkasira nito?


Hinampas ko yung vending machine. "Come on." Hinampas ko ulit pero ayaw talaga. Napapatingin na ang ibang estudyante sa ginagawa ko, kumukunot din ang noo nila sa akin.



Nawalan na ako ng pag-asa kaya tumalikod na ako at akmang lalayo na nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at coke in can ang tumambad sa mukha ko.


"Miss," ani nung lalaki sa akin.


Awkward ko siyang nginitian at kinuha na yung coke in can sa kamay niya at sinabing "Salamat," aniko.



Nginitian niya naman ako. "Welcome. Mext time, you have to kick the vending machine," aniya sa akin at nangingisi akong iniwan sa kinatatayuan ko.



Nagkibit-balikat na lang ako at umupo muna ako sa isa sa mga table na hindi naman occupied. Nagmuni-muni at napatalon nang may nagsalita sa tabi ko. Jusme.


"Aatakihin naman ako sayo, Marco," ani ko habang may nakahawak sa dibdib. 


Hindi ko makakasama mga kaibigan ko ngayon dahil pang-umaga sila. Hinati kasi by section ang pasok dahil may laban ng basketball sa school namin at gagamitin ng mga bisita yung ibang room. 1-1, 1-2 at 1-3 pang-umaga, the rest pang-hapon na.


"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin.


Tinignan ko siya na para bang naiinis. Senior namin 'yan pero hindi alam na absent si Trevor, sabagay, tatlong subject lang kami at hindi kasama ang subject niya. "Absent eh," aniko.


Seryoso niya akong tinignan. "Bakit absent?" Tanong niya.


Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam," sagot ko sa kaniya. Ayaw kong sabihin sa kaniya kung anong dahilan ng pag-absent ni Trevor kahit alam ko naman talaga.


"Gano'n?--Manonood ka ba mamaya?" 


Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."



"Tara, nood tayo. Sa may bleachers tayo," aniya sa akin.


Hindi ko talaga alam kung manonood ako dahil baka hindi rin ako makapagfocus sa paglalaro, baka isipin ko lang ding nang isipin si Trevor.


"Promise, masayang manood ng basketball, lalo na kasama yung school natin. Magchi-cheer lang tayo ro'n," pagkukumbinsi niya.



"Ikaw na lang," aniko sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan.


Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing "May problema ka ba?"


Inilingan ko siya. Tumayo rin siya sa harapan ko. "Sigurado ka?"


"Lately napapansin ko na lagi kang matamlay. Bakit? Anong problema?"



Inilingan ko ulit siya. Kung yung problema ko kay dad, nasabi ko sa kaniya. Itong problema ko ngayon, hindi na pwede, privacy ko na rin.


Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para lumakad paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagmuni-muni muna akk sa bench at nang malapit nang magtime, umakyat na ako.


Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon