💌Hindi ko pa siya nababasa ng buo. Tell me kung waley hahahahaha
Nasa bulletin board na yung list ng average namin. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong kakalabasan ng test ko. Yung mga ibang nakakasabay ko sa pagpasok ay mga nagmamadali, gustong-gusto na makita yung average nila samantalang ako nanlulumo.
Papasok na ako nang makasalubong ko ang dalawa kong kaibigan, si Ashley at Julia.
"Kamusta? Nakita mo na yung sa inyo?" Tanong ko sa kanila.
Wala na silang bitbit na bag kaya sa tingin ko ay nakaakyat na sila sa room nila.
"Oo! Ang pinakamataas ay 98.7, yung pang 30 ay nasa 89.5," ani Julia.
"84.6 average ko," ani Ashley sa gilid ko. Mukhang masaya naman siya sa Average niya.
"Wow. Mataas na 'yon, ahh." -Ako.
"Tss. Nangopya lang naman 'yan sa'kin pero 82.3 lang ako," umiiyak kuno na sabi ni Julia.
"Nasaan si Cara?" Tanong ko sa kanila.
Kinakabahan na ako. Kung sila na 1-4 ay ganiyan ang score paano pa kaya ako na 1-2, dapat ay nasa 90 pataas ang average ko pero mukhang hindi ko 'yon makukuha.
"Late, as usual," sagot ni Julia.
"Ikaw? Anong average mo?" Tanong sa'kin ni Ashley.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam." Hindi ako sigurado kung ano basta ang alam ko, mababa ang average ko. "Pupuntahan ko pa lang."
Tinangu-tanguan nila ako. "Oo nga pala. Mamaya na lang, ahh."
Hinila ni Julia si Ashley. "May bibilhin pa tayo, hoy."
Tinawanan ko sila habang paalis. Inuna pa nila ang pakikipagchismisan sa akin bago bumili ng kakailanganin nila.
Mahigpit akong nakahawak sa strap ng bag ko nang makarating na ako sa bulletin board. Kinakabahan na ako. Nang makalapit na, natuwa ako nang makita ang pangalan ni Trevor sa pinaka-unahan, medyo malaki ito kaysa sa mga pangalan sa ibaba.
🏅Class 1-2 : Trevor Allistair Foster - 98.7%
🥇 Class 1-1 : Caspian Montenegro - 98.02%
🥈 Class 1-1 : Maria Stella Lindo - 97.9%
🥉 Class 1-2 : Pria Lyena Dawson - 97.7%
Wow. Ang galing niya talaga. Nakaka-proud naman si Trevor. Pangatlo sa listahan si Yena at pang-siyam naman si Isagani. Nakakatuwa naman sila.
Nakisiksik ako sa mga estudyante para makita ang pangalan ko. Sinimulan ko sa 89 dahil alam ko naman hindi ko makikita ang pangalan ko sa 90. Wala sa 89... Wala rin sa 85... Binabaan ko pa ang average na pinaghahanapan ko, nakapunta na ako sa 81 pero wala pa rin ang pangalan ko.
"Ysa, hinahanap mo pangalan mo?" Tanong sa akin ng kaklase ni Isagani.
Tinanguan ko siya. May itinuro siya sa bulletin board at tinawag niya ulit ako. "Ito, oh. Ysa Alessandra Laurent. 80.9," aniya at tumalikod na.
Yumuko ako habang nakikisiksik nang marinig ko ang pagbubulungan ng iilan.
"Wala sa top 30 si Ysa?"
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...