💌Hope maclarify niyo na yung mga bagay-bagay hahaha. Salamat sa pagbabasa!
Lumipas ang araw at sa paggising ko, yung nangyari pa rin kagabi ang nasa isip ko. He'll probably sue me to death if he find out that my dad is using his family and I'll run away from them to avoid the mess they made. But how can I run? When I can't even turn my back on Trevor?
"Ysa, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lei na nagpupunas ng counter.
Tinanguan ko siya. "Oo, ayos lang ako."
Nilapitan niya ako at ipinatong ang likod ng kamay sa noo ko at leeg ko. "Hindi ka naman mainit pero nananamlay ka," nag-aalala niyang sabi.
Nginitian ko siya at uminom ng tubig. "Sabi sa'yo, wala lang 'to." I'm still exhausted. Hindi ako kumain ng breakfast kanina at hindi ako naglunch sa school. Dumeretso ako dito sa Cafè ng walang laman ang tiyan.
"Ito, oh. Ako muna dito. Umupo ka na muna," aniya sa akin pagkatapos akong bigyan ng slice ng cake at americano.
Kinuha ko yung binigay niya at sandaling lumabas sa counter para ma-upo at makakain.
"Thank you po," ani Lei sa costumer.
I'm glad that I have Lei with me. Alam niya kung kailan niya ako tutulungan. Hindi rin niya ako pinakikielaman sa mga gusto kong gawin at kapag nagku-kwento ako sa kaniya, nakikinig siyang mabuti at hindi ako hinuhusgahan.
Time will come, I will not be able to work here anymore, even stepping my foot in this cafè. Time will come, she will never see me again, no more drama's and stories to tell.
Dali-dali akong kumuha ng tissue nang namalayan ko na tumu-tulo na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako rito basta't ang alam ko, sa oras na malaman ni Trevor ang lahat. I should disappear from this place and run away as fast as I can.
"Ayos ka lang ba talaga?" Nasa harapan ko si Lei, may dala-dala siyang tray.
Tinanguan ko siya at sumipsip sa Americano. "Oo naman. Akin na, ako na ang gagawa niyan." Kinuha ko yung tray na hawak-hawak niya at pumunta na sa counter.
Ilang oras na lang, mage-8 na. Ilang oras na lang ay susunduin na ako ni Trevor.
"Hello," ani Isagani. Kumaway siya sa'kin muna sa pintuan ng cafè.
Kinawayan ko siya pabalik. Lumapit naman siya sa counter kung nasaan kami ni Lei. "Hello," aniya sa akin. Kinawayan niya rin ang katabi ko. "Hello," aniya kay Lei.
Pasimple akong hinampas ng katabi ko at patago rin siyang kinilig. Umiling na lang ako sa pasimpleng pagngiti ni Lei.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Isagani.
"Lilibre kita."
"Wow, manlilibre ka? Tara," ani ko kay Isagani at agad-agad ding hinubad ang apron na suot ko. Hinarap ko si Lei at sinabing "Babalik din ako kaagad."
Tinanguan niya ako at hinila para bumulong "Sige. Wala pa namang jowa 'yang kaibigan mo 'di ba? Ireto mo ako."
"Baliw," bulong ko sa kaniya at naglakad na papunta kay Isagani.
"Nananamlay ka yata?"
Nilingon ko siya at nginusuan. "Oy, hindi ahh."
Akmang niya hahawakan ang baba ko at ihaharap sa kaniya ng pigilan ko ang kamay niya. "Ano ka ba," ani ko habang tumatawa. "Gutom lang 'to."
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...